Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Save lives! lakad laban sa karahasan

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa sambayanang Filipino.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mamamayan na manindigan at pagsama-samahin ang lakas laban sa dahas.

Lubos nang ikinababahala ni Cardinal Tagle at buong kapulungan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang umiiral na kultura ng karahasan at kawalan ng paggalang sa sagradong buhay sa Pilipinas dahil sa pagsusulong ng pamahalaan ng death penalty, laganap na abortion, laganap na kahirapan gayundin ang patuloy na pagdami ng extra-judicial killings sa kabila ng suspension ng “oplan tokhang”.

Ipinahayag ng Kardinal ang kalungkutan sa tila pagiging natural na lamang sa taumbayan ng mga marahas na pananalita, mga pagkilos at nagiging brasuhan at sindakan ang kalakaran ng justice at political system ng bansa.

“Sa ating panahon, kapansin-pansin ang paglaganap ng kultura ng karahasan. Nakalulungkot Makita na parang natural na ang marahas na salita, tingin, asta, at kilos. Brasuhan at sindakan ang kalakaran.”malungkot na pahayag ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na isulong ang “lakbay buhay, paglalakad para sa buhay, ang pagpalaganap ng hindi marahas na pagkilos o nang active non-violence”.

“Kaya isang mahalagang aspeto ng lakbay-buhay ay ang pagpapalakas at pagpapalaganap ng kultura ng hindi maharas na pagkilos o active non-violence. Hindi mapupuksa ang karahasan ng kapwa karahasan. Ang lakas ng katotohanan, lakas ng katarungan, lakas ng dangal, lakas ng pagkalinga, lakas ng pagdamay, lakas ng pag-unawa, lakas ng pagkakasundo, lakas ng pagmamahal ang pipigil sa nakamamatay na karahasan. Lakas, hindi dahas. Kung bawat isa sa atin,bawat pamilya at pamayanan ay gagawa araw-araw ng kilos-buhay, mayroong lakas laban sa dahas. Lakas, hindi dahas.Hindi sapat ang mga diskusyon at sigawan. Maraming buhay na dapat iligtas. Save lives!”panawagan ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng Kardinal na hindi masusugpo ang karahasan ng kapwa karahasan kundi pagpapahayag ng lakas ng katotohanan, katarungan, pagdamay at pakikipagkasundo ang pipigil sa kultura ng kamatayan.

Hinikayat ni Cardinal Tagle ang mamamayan na magsama-sama sa paglilgtas ng buhay mula sa sinapupunan at mga nagiging biktima ng karahasan sa ating lipunan tulad ng mga pamilyang nagugutom, mga bata at matatandang nalulong sa illegal na droga, mga naabuso at biktima ng prostitusyon, mga manggagawa, mga may kapansanan at mga katutubo.

“Iligtas ang inang nagbubuntis at ang sanggol sa kanyang sinapupunan, iligtas ang mga nagugutom, iligtas ang kabataan at batang nasa lansangan sa droga, abuso, prostitusyon,pornography, sugal at bisyo, iligtas ang pamilya, iligtas ang marangal na seksualidad, iligtas ang manggagawa at walang trabaho, iligtas ang dukha lalo na ang kababaihang nasa bingit ng human trafficking, iligtas ang mga may kapansanan, iligtas ang mga katutubo, iligtas ang mga magulang na tumatangis sa nawawala o pinaslang na anak. Iligtas ang kalikasang sugatan, iligtas ang nasa panganib ang buhay! Magagawa ng malasakit at pag-ibig ang magligtas sa buhay nila. Kung bawat isa ay gagawa nang makakayanan niya, lalaganap ang kultura ng pag-ibig na nagliligtas ng buhay. Lakas, hindi dahas.”pahayag ng Kardinal

Hinimok din ng Kardinal ang lahat na humingi ng tawad sa diyos dahil lahat tayo ay naging bahagi din ng kultura ng karahasan.

“lahat tayo ay humingi ng tawad dahil naging bahagi rin tayo ng kultura ng karahasan. Sabi ni Jesus (Mateo 5:21-22), narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman. Nguni’t ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid ‘Ulol ka” ay mapapasaapoy ng impiyerno. Linisin nawa ng Dios ang ating puso, isip, mata, labi, at kamay upang mapawi ang ugat ng karahasan.Gawin nawa nila ang daan ng buhay. Lumakad tayo araw-araw taglay ang paalalani propeta Micah 6:8, “Ito ang nais ng Dios: maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong ibigin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbaba ng lumakad kasama ang Dios.” paalala ni Cardinal Tagle

Iginiit ng Kardinal na ang paglalakad ay sagisag ng buhay at nakapagpapasigla ng buhay.

Ito ang naging mensahe ni Cardinal Tagle sa mahigit 20,000 mamamayan na kinabibilangan ng mga Katoliko at Evangelical groups na dumalo sa Walk for Life sa inorganisa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Quirino grandstand noong ika-18 ng Pebrero, 2017.

Nakibahagi sa “walk for life” o tinaguriang show of force laban sa kultura ng kamatayan ay pinangunahan ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop Antonio Tobias, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity at Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 2,867 total views

 2,867 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 53,430 total views

 53,430 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 2,537 total views

 2,537 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 58,612 total views

 58,612 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 38,807 total views

 38,807 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 20,381 total views

 20,381 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December 25, 2018 It is Christmas. It means that God has become like us in all things except sin. God has embraced our hunger and poverty. God has joined us in

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 20,391 total views

 20,391 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon Today is the feast of Saint Matthew one of the writers of the Gospel. He found Jesus. He followed Jesus. He wrote about Jesus. He died like Jesus offering the

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Final Message of the Second Synod of Lingayen Dagupan

 20,377 total views

 20,377 total views MESSAGE to the PEOPLE OF GOD Communioas Gift and Mission We were called together by the Lord and now he sends us forth! We your brothers and sisters, members of the Second Synod of Lingayen Dagupan,came together in the name of the Lord around our Archbishop Socrates from the many different parishes, schools

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 20,417 total views

 20,417 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S. David Santa Quiteria Parish Church Diocese of Kalookan Caloocan city Dear brother priests in the Diocese of Kalookan, especially the parish priest of Santa Quiteria Parish, Fr. George Alfonso, MSC,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Trafficking of person, kinondena ng Diocese of Antipolo

 20,387 total views

 20,387 total views Nagpahayag ng mariing pagkundena ang Obispo ng Diyosesis ng Antipolo laban sa human trafficking of persons matapos ang kasong kinakaharap ng isang pari ng diocese. Ayon kay Bishop De Leon, seryoso ang kasong kinakaharap ni Monsignor Arnel Lagarejos na trafficking of minor. Kasabay nito, ipinarating ng Obispo ang kanyang pakikisimpatya sa batang sinasabing

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Wholistic formation sa mga kabataan, apila ni Cardinal Tagle sa mga catholic school

 20,370 total views

 20,370 total views Ibigay sa mga kabataan ang wholistic formation. Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Catholic schools sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Unang pinaalalahanan ng kanyang Kabunyian ang mga kabataang mag-aaral na bilang bahagi ng catholic education ay dapat unang matutunan ang pagpapakumbaba, maging maliit, handang

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Blood donors, malugod na pinasalamatan ni Cardinal Tagle.

 20,380 total views

 20,380 total views Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga blood donors sa ipinagkaloob na regalong buhay para sa kanyang kaarawan. Ayon kay Cardinal Tagle,napakagandang ipagdiwang ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa iba sa pamamgitan ng blood letting o donasyon ng dugo. Sa pamamagitan nito,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 20,529 total views

 20,529 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa death penalty bill na isinusulong sa Senado. Para lalong patatagin at palawakin ang pagpapahalaga sa buhay, nagpalabas ng circular letter si Cardinal Tagle para sa lahat ng parokya sa arkidiyosesis

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 20,975 total views

 20,975 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ,ang tamang edukasyon ay daan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kabataan at kanilang pamilya. Inihayag ng Obispo na matutupad lamang ito

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Simbahan at pamahalaan, hindi maaring maghiwalay

 20,652 total views

 20,652 total views Hindi maaring maghiwalay ang Simbahan at pamahalan sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Filipino. Ayon sa kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, ang gobyerno ang may responsibilidad sa materyal na pangangailangan ng sambayanan habang ang Simbahan ang sa pang-esperitwal at moralidad ng mga tao. Tiniyak ni Cardinal Rosales na magiging matagumpay ang paglilingkod ng Simbahan

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 20,428 total views

 20,428 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Archdiocese of Lipa sa San Sebastian cathedral kahapon, Abril 21, 2017. Ayon kay Archbishop Villegas, ang Obispo ay tinatawag kakambal ang pagkamatay sa sarili upang tunay

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 20,419 total views

 20,419 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education San Jose Bishop Roberto Mallari na yakapin ng mapagmahal na preseniya ng Diyos ang kaluluwa ng 35-pasahero na nasawi sa bus accident. Ipinanalangin din ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mabuhay sa pagmimisyon, hamon ni Cardinal Tagle sa mananampalataya

 20,376 total views

 20,376 total views Ito ang buod ng mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa padiriwang ng Simbahan ng Linggo ng pagkabuhay o Easter Sunday. Ayon kay Cardinal Tagle, ang libingan ng patay na katawan ni Hesus ay nawalan ng laman upang makapagbigay ng liwanag at buhay sa sangkatauhan. Sinabi ni Cardinal Tagle

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Patanggap kay Hesus, pagtanggap sa mga dukha

 20,402 total views

 20,402 total views Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Palm Sunday mass sa Manila cathedral. Ang linggo ng palaspas ay ikalimang linggo ng paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Mensahe ni Cardinal Tagle, ang tunay na Hesus ay pagtanggap sa presensiya ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Panalangin at pagsakripisyo sa mahal na araw, i-alay para sa kapayapaan sa bansa.

 19,978 total views

 19,978 total views Hinikayat ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang sambayanang Filipino at mananampalatayang Katoliko na i-alay ang panalangin, pagsa-sakripisyo at pag-aayuno ngayong Semana Santa sa pagkakaroon ng kapayapan sa Pilipinas. Ayon kay Bishop Santos, mahalagang sama-samang ipanalangin ang katahimikan sa Mindanao at buong bansa. Hinimok ng Obispo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top