Season of creation, pagninilay sa ating tungkulin sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 150 total views

Ito ang paanyaya ng mga lider ng Simbahang Katolika sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Archdiocese of Manila sa “season of creation” simula sa a-uno ng Setyembre hanggang ika-apat ng Oktubre 2016.

Ang unang araw ng Setyembre ay idineklara din ni Pope Francis na “Pandaigdigang araw ng panalangin para sa pangangalaga at pagkalinga sa kalikasan” o World Day of prayer for care of the creation.”

Ipinaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang “season of creation” ay panahon ng pananalangin, pagninilay sa salita ng Diyos, review of lifestyle at paglilinis ng kapaligiran.

“Ang season of creation ay paanyaya po sa ating lahat, suriin ang ating isip, suriin ang ating lifestyle, suriin ang ating mga habits of consumption and spending. Ang kabutihan ba ng sangnilikha ay napagsasaluhan ng nakararami o ang creation ba ay hawak lamang ng iilan samantalang ang higit na nakararami ay walang wala. Iba’t-iba ang lebel ng pagdiriwang, may pananalangin, pagninilay sa salita ng Diyos, merong paglilinis ng kapaligiran.Huwag aabusuhin ang kalikasan, iniisip ang kapwa yan po ay isang malaking bagay para mapangalagaan ang kalikasan,”paliwanag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Ipinaunawa ni Cardinal Tagle na ang “san nilikha” ay regalo ng Diyos na kailangang gamitin ayon sa kanyang panukala.

“Alam niyo po, bahagi ng ating pananampalataya ay ang pagsambit na sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Ang atin pong sannilikha ay hindi basta-basta gamit, ito po ay regalo ng Diyos at kailangang ginagamit ayon sa plano sa panukala ng Diyos, ang Season of Creation,” paglilinaw ni Cardinal Tagle.

Itinuturing naman ni CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang “season of creation” ay katangi-tanging panahon para pagnilayan natin ang ating tungkulin sa kalikasan bilang bahagi ng pananampalataya sa Diyos na manlilikha.

Sa panahong ito, hinihikayat ni Bishop Pabillo ang lahat na mas maging pamilyar sa mga issue ng kalikasan at ipagdasal ang mga tao na mas maging responsable sa environment at sikaping pangalagaan ang kaloob ng Diyos na diwa ng “Season of Creation.”

Binigyan diin naman ni San Jose Bishop Roberto Mallari na ang pagdiriwang ay pagbibigay pansin sa kagandahan ng kapaligiran at matanim sa puso ng lahat ang isang malaking responsibilidad na pangalagaan ang kaloob ng Panginoon na tanda ng kanyang pagmamahal at awa sa sanlibutan.

Nilinaw ni Bishop Mallari na napapanahon ding tingnan at kilalanin ng bawat isa ang naging bahagi sa pagkasira ng kalikasan at iwasto ang pagkakamali.

“Sana anuman yung dapat hilumin sa ating kalikasan ay mahilom pa sana natin, sana maibalik, maitayo pa nating muli yung ganda ng kalikasan na ayon sa pagkakalalang ng Diyos.Sana tayo’y maging bahagi dito sa patuloy na paglalalang at pagpapaganda ng Diyos sa ating kalikasan. Sana po itong buwan na ito ng Season of Creation ay maging daan para talaga namang makita natin na tayo’y bahagi ng kalikasan, mga nilalang ng Diyos na this is our common home na dapat nating lahat na pangalagaan at mahalin,” pahayag ni Bishop Mallari.

Iginiit naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na ang “season of creation” ay paalala sa lahat na may dakilang lumikha at hindi tayo may-ari kundi katiwala lamang ng kalikasan o creation ng Panginoon.

“We have a creator at tayo po ay hindi may-ari ng kalikasan o creation, tayo po ay katiwala lamang, sana maging mabuting katiwala tayo dahil ang creation ang nagbibigay ng buhay sa atin, harinawa ay maging mabuti tayong katiwala,” dasal ni Bishop Ongtioco.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 31,784 total views

 31,784 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 43,430 total views

 43,430 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 52,677 total views

 52,677 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 58,474 total views

 58,474 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 70,862 total views

 70,862 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Gawing makatao ang pangangalaga sa mga may sakit at kapaligiran

 9,817 total views

 9,817 total views Ito ang hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ika-28 taon ng paggunita sa World Day for the Sick ngayong ika-11 ng Pebrero 2020. Paliwanag ni Fr. Dan Cancino, M.I., executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, ngayong ang buong mundo ay sinusubok dahil sa paglaganap ng Novel Corona Virus (nCoV), hamon

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Tigilan na ang paggamit ng Single-use plastics

 9,975 total views

 9,975 total views Ito ang naging mensahe ng pagdiriwang para sa ika-10 taon ng Panahon ng Paglikha sa Diyosesis ng Imus. Sa pagninilay sa banal na misang pinangunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, ipinaalala nito na ang buong sanilikha ay hindi pag-aari ng tao, dahil Diyos ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mundo.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Pagbabawas ng emission mula sa coal fired power plants, panawagan ng Climate Change Commission

 9,805 total views

 9,805 total views Nanawagan ang Climate Change Commission ng pagtupad sa Nationally Determined Contribution na pagbabawas ng emission mula sa mga Coal Fired Power Plants lalo na ng malalaking mga bansa. Ayon kay Lourdes Tibig, isa sa mga author ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) Report on Oceans and Cryosphere at member ng National Panel

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

300 hektarya ng kagubatan, mawawasak sa Kaliwa dam project

 9,874 total views

 9,874 total views Patuloy ang kampanya ng grupong Save Sierra Madre Network Alliance para pigilan ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project, ngayong paggunita sa Save Sierra Madre Day, ika-26 ng Septyembre. Ayon kay Father Pete Montallana, nangangalap pa rin ng mga pirma ang kanilang grupo na isusumite sa Department of Environment and Natural Resources bilang patunay

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Gobyerno, hinamong isulong ang malinis na enerhiya at sustainable agriculture.

 9,748 total views

 9,748 total views Nagtipun-tipon ang mga makakalikasang grupo kasama ang ilang faith-based organization sa pagsisimula ng isang linggong Global Climate Strike. Kinalampag ng mga envorinmentalist ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Agriculture, upang ipanawagan ang pagsusulong ng malinis na enerhiya at maisulong ang sustainable agriculture para sa kapakanan ng mga

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 9,782 total views

 9,782 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr. Ayon kay Atty. Grizelda Mayo-Anda, executive director ng ELAC, nakababahala na ang walang habas na pagpaslang sa mga environmental defenders sa Pilipinas. Giit ni Anda, hindi ito ang unang pagkakataon

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Kaligtasan ng environmental defenders, ipinagdasal ng Obispo

 9,779 total views

 9,779 total views Sumentro sa pangangalaga sa kalikasan ang isiganagawang monthly prayer meeting ng Council of the Laity at Radio Veritas sa pangunguna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. Kabilang sa ipinagdasal ng Obispo ang mga environment defenders na humaharap sa mga banta sa buhay dahil sa pagtatanggol sa kalikasan. Bukod dito, nanawagan din ng panalangin

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Panawagang tigil mina sa Nueva Vizcaya at No to Kaliwa dam project, suportado ng ATM.

 9,800 total views

 9,800 total views Nagpahayag ng pagsuporta ang grupong Alyansa Tigil Mina sa mga katutubo na humaharap sa pagsubok dahil sa pagprotekta sa kalikasan at sa kanilang lupang minana. Ayon sa grupo, labis na paghihirap ang kinakaharap ng mga katutubo dahil bukod sa pangambang pagkasira ng kalikasan ay nanganganib ding mawala ang kanilang buong tribo kasama na

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

DOE at DENR, pinakikilos laban sa coal fired power plants

 9,803 total views

 9,803 total views Hinihimok ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si ang mga pinuno ng pamahalaan na palitan ng renewable energy ang mga fossil fuels upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapigilan ang pagkasira ng kalikasan. Bilang suporta at pakikiisa sa adhikain ng Santo Papa, nanawagan ang Power for People Coalition sa Department

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 9,799 total views

 9,799 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment ng CBCP, sinabi nitong simula pa noong 1988 sa paglalabas ng unang pastoral statement on Ecology na may titulong “What is Hapening to our Beautiful Land,” ay sinisikap na ng

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Obispo sa pamahalaan, pakinggan ang boses ng mga kabataan

 9,813 total views

 9,813 total views Pinuri ng Obispo ang aktibong pangunguna ng mga kabataan sa Climate Youth Strike na ginawa sa iba’t-ibang panig ng mundo noong ika-24 ng Mayo. Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminasa, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Seminaries na mahalaga ang pakikisangkot ng mga kabataan sa ganitong gawain dahil dito nakasalalay

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Plant a tree for food program, pinaigting ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa.

 9,721 total views

 9,721 total views Muling pinangunahan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtatanim ng mga puno sa isang bahagi ng Brookes Point Palawan. Ito ay bilang pagpapatuloy ng proyekto ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at ng Augustinian Missionaries of the Philippines-IP Mission na nagsimula pa noong Agosto ng 2018. Layunin ng

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Diocese ng San Jose sa Nueva Ecija, makikiisa sa Earth Hour

 9,680 total views

 9,680 total views Makikiisa ang Diocese of San Jose, Nueva Ecija sa gaganaping Earth Hour sa Sabado. Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, mahalagang makikiisa ang simbahan upang mapataas ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan. Ang Earth Hour ay isasagawa araw ng Sabado, ika-30 ng Marso, ganap na alas-8:30 medya hanggang alas-9:30

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Environment group dismayado kay Speaker GMA, sa pagsusulong ng pagmimina sa bansa

 10,587 total views

 10,587 total views Dismayado ang grupong Alyansa Tigil Mina sa pahayag ni House speaker Gloria Macapagal Arroyo na dapat itaguyod ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagmimina sa bansa. Ayon kay Jaybee Garganera – National Coordinator ng ATM, ipinakikita lamang nito ang pagiging anti-poor ng dating pangulo at ang kan’yang pagwawalang bahala sa

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Simbahan, nanawagan ng pagtitipid sa tubig

 9,658 total views

 9,658 total views Nanawagan si Diocese of San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa lahat ng mamamayan na magtipid sa paggamit ng tubig. Ayon sa Obispo, bahagya nang nakararanas ngayon ng pagkatuyo ng patubig na pang-agrikultura at mga balon sa ilang bahagi ng kanyang nasasakupang Diyosesis. Batid din ng Obispo ang nararanasan ngayon na hirap

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top