Senado, katuwang ng Simbahan sa rehabilitasyon ng mga drug surenderers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 312 total views

Bukas ang Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na makiisa sa Sanlakbay para sa ibibigay na kabuhayan sa mga drug surrenderers

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng komite, na makatutulong ang pagpapa – unlad ng agrikultura sa bansa sa poverty reduction lalo’t napapabilang ang mga magsasaka sa pinakamahihirap sa bansa.

Nakahanda aniya ang kanilang komisyon na tumulong sa Simbahan na magbigay ng pagsasanay sa larangan ng pagtatanim na maaring maging alternatibong mapagkakakitaan ng nasa 700 libong sumukong drug addicts at pushers.

“Of course, gusto nating mag – partner sa ating Catholic Church para tumulong. Kasi naniniwala kami na kapag nag – improve, nag develop at naging successful ang ating agricultural endeavors natin this is really the way to poverty reduction. Siguro talaga nga namang gusto ng ating Simbahan na makatulong sila na mabawasan ang kahirapan sa Pilipinas. So we can work together na we develop agriculture, because the poorest people are in agriculture,” bahagi ng pahayag ni Sen. Villar sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabanggit rin ni Sen. Villar ang plano nilang paglulunsad ng holistic na “Farm Project” sa ika – 21 ng Oktubre sa Villar School Foundation sa mga drug surrenderees ng Las Pinas, Paranaque at Muntinlupa.

“First tuturuan silang mag – farming, para yun ang livelihood component. Tapos darating yung ating Las Pinas General Hospital, tutulungan naman sila sa kanilang mga health problems. At gusto ring mag – lecture yung other agencies lalo na yung mga pulis para malaman naman yung dapat nilang gawin for their safety. Dadalhin rin namin sila sa aming Las Pinas – Paranaque Critical Habitat para mag – volunteer sila sa environment,” giit pa ni Sen. Villars a Radyo Veritas.

Nauna na ring nagpahayag ng suporta ang AFFI o Association of Filipino Franchisers Incorporated sa proyekto ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry na community based rehabilitation centers.

Magugunitang sinabi na rin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na laging bukas ang pintuan ng Simbahan para sa mga nagsisising makasalanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 56,541 total views

 56,541 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 56,541 total views

 56,540 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 56,541 total views

 56,540 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 54,811 total views

 54,810 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 50,069 total views

 50,068 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 194,389 total views

 194,389 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top