7-libong pamilya, inihahanda ng Catholic Relief Service sa banta ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total views

7,200 pamilya ang target na mabigyan ng sapat na kahandaan sa kalamidad ng Catholic Relief Services katuwang ang iba’t-ibang Diyosesis sa Metro Manila, Bulacan at Rizal.

Ito ang inihayag ni Marino Deocaricia, Program Manager ng Project SUCCESS (Strengthening Urban Communities Capacity to Endure Severe Shocks) kaugnay sa pagtatapos ng unang bahagi ng nasabing proyekto sa may 15 barangay sa may apat na flood prone Dioceses sa bansa.

Ayon kay Deocaricia, ikinagagalak ng CRS ang positibong resulta ng kanilang proyekto kung saan mas naging aktibo ang mga komunidad sa disaster risk reduction and management lalo na sa bahagi ng paglilinis ng kanilang mga Barangay.

“Actually madami kaming nakikitang impact lalo na pagdating sa tinatawag natin na pamumuhay at well being, dun lang sa ating programa na paglilinis monthly clean up nakikita natin visibly na mas luminis at umayos ang ating mga kanal at daanang tubig na nagiging hadlang sa maayos na daloy ng tubig na nagpapalala ng pagbaha so ngayon dahil monthly yun clean up mabilis na bumababa ang tubig at hindi na lumalala ang pagbaha noong nakaraang dalawang taon,”pahayag ni Deocaricia sa panayam ng Veritas 846.

Naniniwala ang CRS na sa pamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan at lokal na pamahalaan partikular na sa Barangay level ay mas lalong nagiging epektibo ang adhikain na maihanda ang mga mamamayan sa mga posibleng kalamidad.

“Tingin ko ang kailangan pa talaga paigtingin [lalo na] yung role ng Diocese kasi ang role talaga ng Disater Risk Reduction ay naka-angkla sa mga barangay, sila talaga yun may regular na budget para ihanda ang kanilang komunidad, ang Diocese ay tumutulong lang para palakasin ang barangay, dapat talaga yung ugnayan ng Diocese at Barangay, para yung Barangay mas lumakas pa ang kanilang mga aktibidades pagdating sa paghahanda ng community para kapag dumating ang kalamidad hindi masyadong malaki ang pinsala,” dagdag pa ni Deocaricia.

Magugunitang ang Pilipinas ay nakakaranas ng hindi bababa sa 20 bagyo kada taon at maituturing na pang-apat sa pinaka-malapit sa pagkakaroon ng mga kalamidad ayos sa datos ng United nations office for Disaster Risk Reduction.

Kaugnay nito masigasig naman ang Simbahang katolika sa bansa sa pakikibahagi sa mga programa na naglalayon ihanda at imulat ang mamamayan kaugnay sa banta ng mga paparating na kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,033 total views

 41,033 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,185 total views

 64,185 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 134,299 total views

 134,299 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 208,913 total views

 208,913 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 285,971 total views

 285,971 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,601 total views

 91,601 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top