Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Senado, katuwang ng Simbahan sa rehabilitasyon ng mga drug surenderers

SHARE THE TRUTH

 257 total views

Bukas ang Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na makiisa sa Sanlakbay para sa ibibigay na kabuhayan sa mga drug surrenderers

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng komite, na makatutulong ang pagpapa – unlad ng agrikultura sa bansa sa poverty reduction lalo’t napapabilang ang mga magsasaka sa pinakamahihirap sa bansa.

Nakahanda aniya ang kanilang komisyon na tumulong sa Simbahan na magbigay ng pagsasanay sa larangan ng pagtatanim na maaring maging alternatibong mapagkakakitaan ng nasa 700 libong sumukong drug addicts at pushers.

“Of course, gusto nating mag – partner sa ating Catholic Church para tumulong. Kasi naniniwala kami na kapag nag – improve, nag develop at naging successful ang ating agricultural endeavors natin this is really the way to poverty reduction. Siguro talaga nga namang gusto ng ating Simbahan na makatulong sila na mabawasan ang kahirapan sa Pilipinas. So we can work together na we develop agriculture, because the poorest people are in agriculture,” bahagi ng pahayag ni Sen. Villar sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabanggit rin ni Sen. Villar ang plano nilang paglulunsad ng holistic na “Farm Project” sa ika – 21 ng Oktubre sa Villar School Foundation sa mga drug surrenderees ng Las Pinas, Paranaque at Muntinlupa.

“First tuturuan silang mag – farming, para yun ang livelihood component. Tapos darating yung ating Las Pinas General Hospital, tutulungan naman sila sa kanilang mga health problems. At gusto ring mag – lecture yung other agencies lalo na yung mga pulis para malaman naman yung dapat nilang gawin for their safety. Dadalhin rin namin sila sa aming Las Pinas – Paranaque Critical Habitat para mag – volunteer sila sa environment,” giit pa ni Sen. Villars a Radyo Veritas.

Nauna na ring nagpahayag ng suporta ang AFFI o Association of Filipino Franchisers Incorporated sa proyekto ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry na community based rehabilitation centers.

Magugunitang sinabi na rin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na laging bukas ang pintuan ng Simbahan para sa mga nagsisising makasalanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,470 total views

 6,470 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,454 total views

 24,454 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,391 total views

 44,391 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,584 total views

 61,584 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,959 total views

 74,959 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,533 total views

 16,533 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,828 total views

 71,828 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 97,643 total views

 97,643 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,955 total views

 135,955 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top