Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 272 total views

Kapanalig, ang ating bayan ay kilala sa mga mamamayan na marunong kumalinga sa mga senior citizens. Maraming mga pamilya ang hindi kumpleto kung walang bahagi o papel ang mga lola at lolo. Hindi lamang sila mga ka-anak na ating minsanang binibisita. Karaniwan, sila ay katuwang natin sa pagpapalaki ng mga anak.

Ang kalagayan ng ating mga seniors ngayon ay isang emerging o umuusbong na isyu sa ating bayan. Base sa opisyal na datos, umabot na sa sa 6.8% ng ating populasyon ang bilang ng mga elderly. Katumbas ito ng mga 6.3 million. Ayon pa sa mga eksperto, pagdating ng 2050, lolobo ang bilang na ito sa 23.63 million. Handa ba tayo sa mga kailangang serbisyo at imprastraktura na tutugon sa kalagayan ng mas maraming mga elderly?

Nagiging mas matingkad pa ang mga isyu ng seniors kung pension ang pag-uusapan. Ang ating mga financial institutions, lalo na ang mga may kaugnayan sa social protection ay kailangan preparado sa mas lolobong pangangailangan ng pondo para sa darating na mga taon. Ang balanse ng kanilang sustainability at pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ay parang pagtawid sa alambre. Kailangan ng ingat, presisyon at maayos na pagpaplano.

Ang diskriminasyon ay isang isyu rin para sa seniors. Marami ang nais pa magtrabaho, kaya lamang, dahil compulsory ang retirement sa ilang ahensya, walang magawa ang maraming may edad. Kaya nga’t marami ang natuwa sa anti-age discrimination law dahil isa itong ayuda para sa maraming seniors. Mas binibigyan nito ng bigat ang competence o kakayahan kaysa edad.

Ang napipintong pagdami ng seniors sa darating na panahon ay may malaki ring epekto sa health situation ng ating bansa. Sa ngayon, maraming may edad ang hirap na maka-access sa health services pati na sa gamot. Dahil nga naka-asa sila sa pensyon na karaniwan naman ay sapat lamang sa kanilang pangangailangan, kulang na ang pambayad sa regular na check-ups. Kung makapunta man sila sa mga health centers kung saan libre ang konsultasyon, hindi naman nila kayang makabili ng mga gamot na binibigay sa kanila bilang preskripsyon.

Ang pinansyal na seguridad at maayos na kalidad na buhay ang mga pangunahing isyu ng mga eldery ngayon. Mas sisidhi pa ito sa darating na panahon kung hindi natin maagap na matutugunan ang mga kasalukuyan at napipintong pangangailangan ng mga elderly.

Ang estado, ang ating kabuuang lipunan, tayong lahat- ay may obligasyon sa ating mga seniors. Sila ang naglatag ng daang ating tinatahak at nagbukas ng maraming pintuan para sa ating kaunlaran. Ang kanilang serbisyo ay hindi matatawaran. Marapat lamang na atin silang paglingkuran.

Ang lipunan, sa pagnanais ng mabilis na kaunlaran, ay may panganib na iwanan ang kapakanan ng matatanda. Ang ekslusyon ng elderly ay nangyayari na sa maraming mga lugar sa loob at labas ng bayan. Ayon kay Pope Francis, ito ay hindi natin dapat gawin. Naway ang kanyang tanong, mula sa Evangelii Gaudium ay gumising sa atin: Bakit ba wala tayong pakialam kapag may matandang namatay sa pagiging palaboy dahil sa kawalan ng tahanan ngunit lahat tayo ay aligaga kung ang stock market ay bumaba ng dalawang puntos?

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,879 total views

 72,879 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,654 total views

 80,654 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,834 total views

 88,834 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,432 total views

 104,432 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,375 total views

 108,375 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,880 total views

 72,880 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 80,655 total views

 80,655 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,835 total views

 88,835 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 104,433 total views

 104,433 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 108,376 total views

 108,376 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,697 total views

 59,697 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,868 total views

 73,868 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,657 total views

 77,657 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,546 total views

 84,546 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,962 total views

 88,962 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,961 total views

 98,961 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,898 total views

 105,898 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,138 total views

 115,138 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,586 total views

 148,586 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,457 total views

 99,457 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top