224 total views
Pinakikilos na ng CBCP – Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrants and Itinerant People ang pamahalaan upang malaman ang sitwasyon ng isang Filipina na na – aresto sa Kuwait dahil sa pagkakasangkot nito sa ISIS.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kailangang tulungan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang naturang Pinay at mabigyan ng legal assistance.
Umaasa rin ang kanilang komisyon na mabibigyan sila ng konkretong impormasyon kaugnay sa Pinay at kanyang pamilya sa Pilipinas.
“The news that a Filipina has been arrested in Kuwait, suspected of being a member of ISIS. Our government should exert all efforts to verify this report and determine her situation and lend her assistance and provide legal representation. We in the commission sincerely hope that we can obtain credible information, especially for her family,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.
Pinayuhan rin ng Obispo ang nasa 15 milyong Overseas Filipino Workers lalo na ang nasa Gitnang Silangan na iwaksi ang ideolohiya ng karahasan at galit na magdudulot lamang ng kapahamakan sa kanilang buhay.
Gayundin, ipinanalangin rin ni Bishop Santos ang kaligtasan ng mga OFWs.
“We also call on our OFWs not to be taken in by ideologies that sow violence and hatred. These harmful and dangerous affiliations lead to dangerous and fatal consequences. They should avoid anything or anyone that sows destruction and death. Let us continue to pray for our OFWs that they may be kept from harm wherever they are,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Sa kabilang banda mas lalo namang pinaigting ng Kuwait ang kampanya nito laban sa terorismo matapos ang suicide bombing attack sa isang Shia Mosque noong June 26, 2015 na kung saan 27-katao ang nasawi at 227 ang nasugatan.