Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sierra Madre mountain, itinuturing na ina ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 741 total views

Inilarawan ni Rev. Fr. Pete Montallana- Chairperson ng Save Seirra Madre Network Alliance ang Sierra Madre bilang isang ina para sa mga katutubo.

Paliwanag ng pari, ito ang nagsilbi nilang tahanan at dito rin nagmumula ang kanilang pagkain, kabuhayan at mga gamot.

“Ang Sierra Madre ay isang nanay sa kanila na dito kumukuha sila ng kinabubuhay at kailangan din nilang buhayin ang Sierra Madre. “Yung nanay ko alagaan ko rin,” pahayag ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.

Dahil dito, umaasa si Fr. Montallana na ang pagbuo sa Sierra Madre Council ang magiging daan sa pagkakaisa ng pamahalaan at ng mga katutubo sa pangangalaga sa kabundukan.

Ayon sa Pari, mabuting bagay ang ginawa ng Department of Environment and Natural Resources na pagkonsulta sa mga katutubo ng Sierra Madre dahil ang mga ito ay matagal nang naninirahan sa kabundukan.

Gayundin naniniwala si Fr. Montallana na malaki ang maitutulong ng DENR sa mga katutubo sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman at paglalaan ng pondo para sa mga livelihood program na hindi makasisira sa kalikasan.

“Yung nakikita ko diyan ay yung mga nakatira sa Sierra Madre ay magtutulong-tulong upang mapangalagaan ang nawawasak na Sierra Madre,” dagdag pa ng pari.

Ayon sa DENR, naglaan ito ng 2milyong piso bilang puhunan sa livelihood program na hihilinging buuin ng mga katutubo sa Sierra Madre.

Tinataya namang 30milyong indibidwal na naninirahan sa baba ng kabundukan kasama na ang Metro Manila, ang makikinabang sa pagpapanumbalik ng kaayusan ng Sierra Madre.

Una nang binigyang diin ni Pope Francis sa Laudato Si ang kahalagahan ng pagtutulong tulong ng bawat isa para sa ikabubuti ng nakararami.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,735 total views

 69,735 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,510 total views

 77,510 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,690 total views

 85,690 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,302 total views

 101,302 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,245 total views

 105,245 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 41,826 total views

 41,826 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 41,844 total views

 41,844 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top