Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 10,603 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Marso 2025
Larawan ng una kong birthday, sigisty years ago; nakaalalay sa akin si mommy (SLN) habang masayang nagsindi ng kandila ang kanyang Ditse, ang Tita Connie na nasa Amerika at buhay pa kasama ng kanyang mga anak na sina Alexis na ka-birthday ko katabi ng mommy at si RAF katabi ko; si Kuya Edgar pinakamatangkad at matanda sa mga pinsan ay nasa Amerika din. Di ko matiyak sinu-sino mga kasama sa party na mga pinsan ko lahat.
Sigisty years old na ako.
Sa isang taon sigisty one
Sa susunod sigisty two
tapos sigisty three
sigisty four
sigisty five 
sigisty six
sigisty seven
sigisty eight at
ewan, kung 
aabutin ko pa
mag(ing) sigisty-nine.
Salamuch sa lahat
ng mga nakasama at
nakasabay sa paglalakbay
sa buhay nitong anim na dekada,
sa mga naniwala 
at ayaw pa ring maniwala;
ang lahat ay pagpapala
ng Mabuting Bathala
na sa atin ay lumikha
itinakda tayong
maging ganap 
sa piling Niyang Banal.
Maraming dapat ipagpasalamat
sa aking mga biyayang natanggap
bagaman kulang na kulang
at tiyak kakapusin
aking mabubuting gawain
kaya sana ako ay inyong patawarin
lalo ng Panginoong butihin;
wala akong panghihinayang
sa aking mga nakaraan 
na kung aking babalikan
ay hindi ko na babaguhin
bagkus lahat ay uulitin pa rin!
Hindi man pansin
ako ay mahiyain,
alinlangan sa aking husay
at galing, napipigilan palagi
lumarga at magsapalaran
sa maraming hamon ng buhay
kaya't nitong mga nagdaan
akin nang pinag-iisipan
magpahingalay
tigilan nang pakikibaka
manahimik na lang,
umiwas sa ingay at gulo ng buhay.
Bukod sa 20-percent discount
ng pagiging senior sixty-cent
pinakamasarap sa pagiging sigisty
ang napakaraming ala-alang masarap
balikan maski na marami ring 
masasakit at mapapait na di malilimutan
na sadyang sakbibi nating palagi
dapat pa ring ipagpasalamat
sa maraming aral sa atin nagmulat
masarap pa rin ang mabuhay
kaya't sabik ko nang hinihintay
walang hanggang kinabukasan
maaring malasap 
ano man ating edad 
kung mamumuhay nang ganap.
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,102 total views

 80,102 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,877 total views

 87,877 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,057 total views

 96,057 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,598 total views

 111,598 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,541 total views

 115,541 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is encountering Jesus

 5,214 total views

 5,214 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Fifth Sunday in Lent, Cycle C, 06 April 2025 Isaiah 43:16-21 + Philippians

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our golden calf

 6,095 total views

 6,095 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Fourth Week in Lent, 03 April 2025 Exodus 32:7-14 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is returning from exile

 6,188 total views

 6,188 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Fourth Week in Lent, 02 April 2025 Isaiah 49:8-15 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is water

 6,317 total views

 6,317 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Fourth Week in Lent, 01 April 2025 Ezekiel 47:1-9, 12 + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is new beginning

 6,535 total views

 6,535 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Fourth Week in Lent, 31 March 2025 Isaiah 65:17-21 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Mystery of God, mystery of sin

 6,626 total views

 6,626 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Fourth Sunday in Lent (Laetare Sunday), 30 March 2025 Joshua 5:9, 10-12 ++

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is listening, walking

 9,261 total views

 9,261 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Third Week in Lent, 27 March 2025 Jeremiah 7:23-28 + + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is not forgetting God

 9,885 total views

 9,885 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Third Week in Lent, 26 March 2025 Deuteronomy 4:1, 5-9 + +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is asking God “how”?

 10,153 total views

 10,153 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Solemnity of the Annunciation of the Lord, 25 March 2025 Isaiah 7:10-14;8:10 +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Windows to past & to future

 10,607 total views

 10,607 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 24 March 2025 Some people have been asking me how does it feel to be sigisty years

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lent is loving like God

 10,518 total views

 10,518 total views 40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Third Week in Lent, Cycle C, 23 March 2025 Exodus 3:1-8, 13-15 +

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Perspectives & stairs: a photo essay

 8,093 total views

 8,093 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 18 March 2025 While I was processing my many realizations and lessons about perspectives and point of view (POV)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top