19,931 total views
Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na magbuklod sa pananalangin para sa kapayapaan.
Ito ang mensahe ng arsobispo kaugnay sa political tension na naranasan ng Pilipinas makaraang arestuhin ng Interpol si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 11 sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court sa kasong crimes against humanity.
Sinabi ng Cardinal na nagdudulot ng krisis at labis na kalituhan sa mga Pilipino ang magkakaibang pananaw sa usapin kaya’t mahalaga ang pamamagitan ng Panginoon upang mangibabaw ang diwa pagkakaisa at iiral ang katotohanan at katarungan.
“During this turning point in our nation’s history, our faitlt invites us to transcend our difterences and be open to continuous conversion towards truth, justice, and peace, ie. the values of the Kingdom of God, which every person aspires for. We implore the aid of Almighty God, as a Filipino people, “that our love for our country may triumph over all political loyalties and personal interests anid we may lcarn to sce each other, not as allies or enemies but as we truly are – brothers and sisters all,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.
Kaugnay nito naglabas ng ‘Oratio Imperata for the Nation’ ang arkidiyosesis para sa natatanging intensyong pagkakaisa, katarungan, at kapayapaan ng Pilipinas sa gitna ng magkakahating opinyon ng mga Pilipino.
Binigyang diin ng cardinal na sa pananalangin ay manatiling maging mapagpakumbaba sa Diyos, hilingin ang kapatawaran ng kasalanan at paghilom ng lipunan.
Hinimok ni Cardinal Advincula ang lahat ng nasasakupang parokya at mission stations sa limang lunsod ng Metro Manila na araw-araw dasalin ang oratio imperata kasunod ng post communion prayer sa lahat ng misa na magsisimula sa March 22 at 23 sa ikatlong Linggo ng Kuwaresma.
Itinakda ng ICC ang susunod na pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Duterte sa September 23, 2025.