Simbahan, hindi maaring manahimik sa mga kontrobersiyang may epekto sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,370 total views

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng taimtim na panalangin at paggabay mula sa Espiritu Santo para sa mga opisyal ng pamahalaan na may tungkuling lutasin ang mga usaping legal, upang ang kanilang mga pasya ay maging tapat, makatarungan, at para sa ikabubuti ng bayan.

Ito ang mensahe ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, sa gitna ng umiigting na tensyon kaugnay ng impeachment case laban kay pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ayon kay Fr. Secillano, bagama’t hindi saklaw ng simbahan ang teknikal na usapin sa batas, hindi ito nangangahulugang mananahimik na lamang sa gitna ng mga kontrobersiyang may epekto sa bayan.

“The Church can only pray and ask the Holy Spirit to enlighten and guide those tasked to resolve legal issues, hoping that their decision may be for the good of our country,” ayon kay Fr. Secillano.

Kamakailan ay naglabas ang Korte Suprema ng desisyon na pansamantalang pinatitigil ang pagpapatuloy ng impeachment proceedings na una na ring umani ng pagbatikos mula sa mga dalubhasa sa batas, kabilang na si retired Associate Justice Antonio Carpio.

Ayon pa kay Fr. Secillano, nakalulungkot na ang mga usaping legal ay hindi nabibigyang-linaw sa pamamagitan lamang ng opinyon ng publiko. “It is unfortunate that legal matters are not resolved by public opinion. They are left to the expertise of those in the law profession,” ayon sa pari.

Gayunpaman, mariin niyang pinuna ang mga taong ginagamit ang batas upang isulong ang pansariling interes.

“Shame on those whose legal opinions are merely meant to sow confusion and bias to protect one party to the detriment of the Filipinos. Such deception shouldn’t have a place in the legal profession,” giit ni Fr. Secillano.

Sa gitna ng patuloy na usapin sa pagitan ng mga institusyon ng pamahalaan, nanawagan ang pari sa publiko na manatiling mapagmasid, manalangin, at panindigan ang katotohanan at katarungan.

Samantala, nanindigan naman ang Kamara ng mga Kinatawan na dapat hintayin muna ng Senado ang pinal at pormal na desisyon ng Korte Suprema bago ito kumilos kaugnay ng impeachment laban kay VP Duterte.

Ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, “The decision of the Supreme Court is not yet final. The House of Representatives, as the body vested by the Constitution with the exclusive power and authority to initiate an impeachment, will file a Motion for Reconsideration soon. This is a matter of constitutional right and institutional integrity.”

Binigyang-diin ni Abante na kailangang hayaan ng Senado na umusad ang buong judicial process lalo na kung may posibilidad ng factual errors sa desisyon ng korte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 10,552 total views

 10,552 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 31,533 total views

 31,533 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 53,961 total views

 53,961 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 227,738 total views

 227,738 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 204,773 total views

 204,773 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top