Diocese of Tagum, kinilala ng lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,280 total views

Ginawaran ng pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Davao del Norte ang Caritas Philippines – Diocese of Tagum sa pamamagitan ng Diocesan Social Action Ministry nito para sa aktibong pakikibahagi sa pagtugon sa oras ng kalamidad sa lalawigan.

Sa naganap na Provincial Culmination and Recognition Activity ng Provincial Government of Davao del Norte para sa National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 noong ika-30 ng Hulyo, 2025 ay kinilala ng lokal na pamahalaan ang social action ministry ng Diyosesis ng Tagum bilang isang aktibong kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa lalawigan.

“Caritas Philippines – Diocese of Tagum, through the Diocesan Social Action Ministry, is deeply honored to receive a Plaque of Recognition as a member of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) during the Provincial Culmination and Recognition Activity of the National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025.” Bahagi ng pahayag ng Diocesan Social Action Ministry ng Diyosesis ng Tagum.

Ayon sa social action ministry ng Diocese of Tagum, ang naturang pagkilala ay isang hamon sa patuloy na pagsasakatuparan sa misyong itaguyod ang katatagan, kahandaan, at kaligtasan ng pamayanan katuwang ang Simbahan sa oras ng kalamidad at pangangailangan.

Naniniwala rin ang social action ministry ng diyosesis na ang naturang pagkilala ay isang patunay sa kahalagahan ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, Simbahan, pamayanan at iba pang institusyon ng pamahalaan na nangangasiwa sa kaligtasan ng bawat mamamayan sa oras ng sakuna at iba pang kalamidad sa bansa.

“This recognition affirms our commitment to promoting resilience, preparedness, and compassionate service in times of disaster and need. It also celebrates the solidarity among LGUs, agencies, volunteers, and faith-based institutions in building a safer and more disaster-ready province.” Ayon pa sa social action ministry ng Diyosesis ng Tagum.

Kaugnay nga nito, bahagi ng pinalawig na programang Alay Kapwa ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang ‘Alay Kapwa para sa Katugunan sa Kalamidad’ kung saan higit na pinaigting ng Caritas Philippines ang pakikipag-ugnayan sa mga social action arm ng iba’t ibang diyosesis upang maihanda sa kagyat na pagtugon sa sitwasyon ng nasasakupan nitong pamayanan sa oras ng kalamidad at sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 8,400 total views

 8,400 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,512 total views

 78,512 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,126 total views

 153,126 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,205 total views

 233,205 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,249 total views

 276,249 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,001 total views

 1,001 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top