Simbahan, hindi maaring manahimik sa mga kontrobersiyang may epekto sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,493 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng taimtim na panalangin at paggabay mula sa Espiritu Santo para sa mga opisyal ng pamahalaan na may tungkuling lutasin ang mga usaping legal, upang ang kanilang mga pasya ay maging tapat, makatarungan, at para sa ikabubuti ng bayan.

Ito ang mensahe ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, sa gitna ng umiigting na tensyon kaugnay ng impeachment case laban kay pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ayon kay Fr. Secillano, bagama’t hindi saklaw ng simbahan ang teknikal na usapin sa batas, hindi ito nangangahulugang mananahimik na lamang sa gitna ng mga kontrobersiyang may epekto sa bayan.

“The Church can only pray and ask the Holy Spirit to enlighten and guide those tasked to resolve legal issues, hoping that their decision may be for the good of our country,” ayon kay Fr. Secillano.

Kamakailan ay naglabas ang Korte Suprema ng desisyon na pansamantalang pinatitigil ang pagpapatuloy ng impeachment proceedings na una na ring umani ng pagbatikos mula sa mga dalubhasa sa batas, kabilang na si retired Associate Justice Antonio Carpio.

Ayon pa kay Fr. Secillano, nakalulungkot na ang mga usaping legal ay hindi nabibigyang-linaw sa pamamagitan lamang ng opinyon ng publiko. “It is unfortunate that legal matters are not resolved by public opinion. They are left to the expertise of those in the law profession,” ayon sa pari.

Gayunpaman, mariin niyang pinuna ang mga taong ginagamit ang batas upang isulong ang pansariling interes.

“Shame on those whose legal opinions are merely meant to sow confusion and bias to protect one party to the detriment of the Filipinos. Such deception shouldn’t have a place in the legal profession,” giit ni Fr. Secillano.

Sa gitna ng patuloy na usapin sa pagitan ng mga institusyon ng pamahalaan, nanawagan ang pari sa publiko na manatiling mapagmasid, manalangin, at panindigan ang katotohanan at katarungan.

Samantala, nanindigan naman ang Kamara ng mga Kinatawan na dapat hintayin muna ng Senado ang pinal at pormal na desisyon ng Korte Suprema bago ito kumilos kaugnay ng impeachment laban kay VP Duterte.

Ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, “The decision of the Supreme Court is not yet final. The House of Representatives, as the body vested by the Constitution with the exclusive power and authority to initiate an impeachment, will file a Motion for Reconsideration soon. This is a matter of constitutional right and institutional integrity.”

Binigyang-diin ni Abante na kailangang hayaan ng Senado na umusad ang buong judicial process lalo na kung may posibilidad ng factual errors sa desisyon ng korte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,064 total reads

 77,064 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,805 total reads

 111,805 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,105 total reads

 147,105 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,374 total reads

 373,374 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,598 total reads

 262,598 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,415 total reads

 12,415 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top