Simbahan, hindi tutol sa cremation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

Nilinaw ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na hindi labag sa katuruan ng simbahan ang cremation o pagsusunog sa katawan ng isang yumao upang maging abo ang kanyang mga labi.

Ayon sa Obispo, hindi tutol dito ang simbahan, basta’t hindi ito ginagawa upang labagin ang katesismo ng Katoliko na muling pagkabuhay ng mga namayapa.

“Ang simbahan ay hindi tumututol sa cremation basta ito ay hindi ginagawa para laitin ang ating pananampalataya sa muling pagkabuhay ng mga namatay.” pahayag ni Bp. Bacani sa Radyo Veritas.

Gayunman, iginiit ng Obispo na kinakailangang ilagak pa rin sa libingan o sa kolumbaryo ang abo ng namatay at hindi ito maaaring dalhin kung saan saan.

Paliwanag nito, labag sa katuruan ng simbahan ang pagsasabog ng abo sa hangin, pagtatapon sa ilog o dagat, pagsaboy sa puno, paglalagak ng abo sa bahay, o paglalagay nito sa maliit na lalagyan upang gawing kuwintas.

Sinabi ni Bishop Bacani na kinakailangan paring ihimlay ng maayos ang mga abo upang ipakita ang paggalang sa katawan ng tao na nagsilbing templo ng Diyos.

Samantala, inamin naman ni Bishop Bacani na sa personal niyang saloobin ay nais din nitong mai-cremate ang kanyang katawan sa kanyang pagpanaw.

Ayon sa Obispo, bukod sa mas mura ang halaga ng cremation kumpara sa tradisyunal na paglilibing, naobserbahan niyang mas nababawasan ang pighati ng mga namatayan sa oras na naging abo na ang katawan ng kanilang mahal sa buhay.

“Ngayon, napaka praktikal ng cremation, una mas mura, at pakiramdam ko sa mga minimisahan ko [na nai-cremate] mukhang less painful sa kanila, emotionally. Personal sa akin yung napakasakit na makita kong binabaon sa lupa yung katawan, pero yung cremation dahil hindi na natin nakikita kapag ginagawa, mukhang hindi masakit sa mga namatayan. Kaya nagiging praktikal hindi masakit gaano sa bulsa, kumpara sa paglilibing.” Pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Sa tala ng Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Commonwealth, Quezon City, 40% sa mga kumukuha ng kanilang memorial service ay pinipili ang cremation kumpara sa tradisyunal na paglilibing.

Gayunman, bagamat tanggap na ng Simbahang Katolika ang cremation, mas nirerekomenda pa rin nito ang tradisyunal na paglilibing ng mga labi ng yumao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 4,592 total reads

 4,592 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 39,931 total reads

 39,931 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 76,415 total reads

 76,415 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 94,626 total reads

 94,626 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 178,721 total reads

 178,721 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,303 total reads

 378,303 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top