Simbahan, hinimok ni Bishop Alminaza gampanan ang papel sa paghubog sa konsensiya ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,921 total reads

Hinimok ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang Simbahan na gampanan ang mahalagang papel nito sa paghubog ng konsensya ng mga mamamayan sa gitna ng panawagan para sa reporma sa sistemang pampulitika ng bansa.

Sa kanyang pahayag hinggil sa Dapat 1sa Lang o D1L campaign sa Negros, sinabi ni Bishop Alminaza na hindi layunin ng Simbahan na agawin ang kapangyarihang pampolitika o diktahan ang mga botante kung sino ang kanilang iboboto.

Gayunman, hindi rin aniya maaaring ipagsawalang bahala at mawalan ng pakialam ang Simbahan sa kalagayan ng demokrasya dahil direktang nakaaapekto ang pulitika sa dignidad, karapatan at kabuhayan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap.

“The Church does not seek political power. The Church should not dictate to people whom to vote for. Neither should we demonize politicians or political families. But neither can the Church remain indifferent to the quality of our democracy. Because politics ultimately concerns people—their dignity, their rights, their livelihood, their communities and especially the lives of the poor and those whose voices are seldom heard.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commision on Social Action, Justice, and Peace, tungkulin ng Simbahan na tulungan ang mga mamamayan na lampasan ang personality politics, patronage, takot, at utang na loob upang muling makita ang pulitika bilang paglilingkod sa kabutihang panlahat o common good.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, hindi lamang dapat nakatuon ang mga mamamayan sa kung sino ang mananalo sa susunod na halalan, kundi sa uri ng demokrasya na kanilang maiiwan sa susunod na henerasyon.

Sa ganitong pananaw, sinabi ng Obispo na maaaring maging higit pa sa isang signature campaign ang D1L kung saan maaari itong maging isang pagkakataon upang hubugin ang mga mamamayan bilang mas responsable at mapanuring kalahok sa demokrasya.

“I hope D1L becomes much more than a signature campaign. It can become a great school of citizenship and conscience. Every signature should be accompanied by understanding. Every volunteer should become an educator and listener. Every parish, school, organization and community that participates should become a space for dialogue and discernment.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Para kay Bishop Alminaza, mas malalim kaysa usaping halalan ang political dynasties dahil nakasalalay dito kung sino ang nabibigyan ng pagkakataong mamuno at kung sino ang nananatiling nasa laylayan ng lipunan.

Ayon sa Obispo, partikular na mahalaga ang usaping ito sa Negros, kung saan patuloy na nararanasan ng mga komunidad ang kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at iba pang suliraning panlipunan.

“Here in Negros, these questions are particularly important. We know the realities of our communities. We know poverty. We know inequality. We know landlessness. We know the struggles of workers, farmers, fisherfolk and families trying to build lives of dignity. And we know the danger when economic power and political power become too concentrated in the same hands.” Ani Bishop Alminaza.

Hinimok din ni Bishop Alminaza ang mga parokya, paaralan, organisasyon at iba pang komunidad na gawing espasyo ng dayalogo at pagkilatis ang kanilang pakikilahok sa anumang inisyatibang pampolitika.

Binigyang-diin ng Obispo na hindi dapat maging mapanghusga o mapilit ang kampanya laban sa political dynasties sa halip ay dapat na nakabatay sa malayang pagpapasya, pakikinig at paggalang maging sa mga hindi sumasang-ayon.

Nanawagan din si Bishop Alminaza para sa isang kilusang hindi nakatuon laban sa mga tao kundi para sa mas malawak na pakikilahok.

Para sa Obispo, ang tunay na layunin ng inisyatibo ay hindi lamang baguhin kung sino ang may hawak ng kapangyarihan, kundi baguhin mismo ang kulturang pampolitika ng bansa tungo sa paglilingkod, pananagutan at kabutihang panlahat.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,313 total reads

 45,313 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 43,552 total reads

 43,552 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 77,835 total reads

 77,835 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,660 total reads

 179,660 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 220,217 total reads

 220,217 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 239,028 total reads

 239,028 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,315 total reads

 45,315 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top