Every Sunday ay Easter, paalala ng Rector ng Pontificio Collegio Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,212 total reads

Ipinaalala ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang kahalagahan ng Banal na Misa tuwing Linggo bilang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Sa kaniyang update sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Fr. Gaston na siya rin Vatican Correspondent ng Radio Veritas, na ang pagdiriwang ng Easter ay hindi lamang tuwing Semana Santa o Easter Sunday dahil “every Sunday ay Easter” o bawat Linggo ay pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon sa Pari, ito rin ang binigyang-diin ni Pope Leo XIV sa kaniyang paksa hinggil sa Sacrosanctum Concilium ng Second Vatican Council, partikular sa kahalagahan ng pagdalo sa Sunday Mass.

“Pinag-usapan niya ang isang document pa rin ng Vatican II, Sacrosanctum Concilium, at nag-focus siya sa Sunday Mass. Sunday Mass. Ano ba ‘yung ginagawa natin sa misa? We celebrate Easter. ‘Yung pagpapasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng ating Panginoon. Passion, death, and resurrection. Ito ‘yung Easter na sine-celebrate hindi lang nung Holy Week, after ng Holy Week, Easter Sunday. Hindi lang nung Easter Octave, every Sunday ay Easter.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, hinihimok ng Santo Papa ang mga mananampalataya, kabilang ang mga nagtatrabaho tuwing Linggo, na humanap ng paraan upang makadalo sa Misa at mapanatili ang Linggo bilang araw para sa Diyos at pamilya.

Nilinaw din ng Pari na iba ang online Mass kumpara sa pagdalo ng personal sa banal na misa sa Simbahan sapagkat nakalaan ang online Mass para sa mga may karamdaman o hindi makadalo nang personal sa Simbahan.

“Kaya ‘yan sabi ni Pope Leo na kung sana lahat, kahit ‘yung mga nagtatrabaho, sana kahit may trabaho Sunday, sana may paraan na ma-schedule, na makapag-misa pa rin, makapagsimba pa rin sila ‘pag Sunday. At iba po ‘yung online masses para ‘yan sa mga may sakit, sa mga hindi makapunta ng Sunday sa simbahan.” ani Fr. Gaston.

Samantala, ipinaalala rin ni Fr. Gaston ang kahulugan at diwa ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria o Assumption of Our Lady na ipinagdiriwang tuwing Agosto 15, 2026.

Ayon sa Pari, ang Assumption ay ang paniniwalang si Maria ay iniakyat sa langit taglay ang katawan at kaluluwa, at ito ang ika-apat na Misteryo ng Luwalhati ng Santo Rosaryo.

Ipinaliwanag din ni Fr. Gaston na kaugnay nito ang Immaculate Conception, kung saan si Maria ay ipinaglihi nang walang bahid ng original sin dahil sa biyayang nagmumula sa pagliligtas ni Kristo.

Sa huli, hinikayat ni Fr. Gaston ang mga mananampalataya na gawing tunay na araw ng Panginoon at pamilya ang bawat Linggo, sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Banal na Misa at paglapit sa Diyos hindi lamang sa tuwing may mga problema kundi maging sa pang-araw-araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 24,999 total reads

 24,999 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 69,314 total reads

 69,314 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 106,922 total reads

 106,922 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 213,801 total reads

 213,801 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 257,480 total reads

 257,480 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top