Simbahan may responsibilidad sa mga balo at ulila ng EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total reads

Anim na pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings (EJK) ang nakiisa sa isinagawang ‘Round Table Discussion’ sa San Ildefonso Parish, Navotas ng Diocese ng Caloocan.

Ang talakayan ang pinanguhan ng parish priest na si Fr. Bong Hino sa pakikipagtulungan na rin ng special Ministry of the Word at Mother Butlers Guild ng parokya.

Ang hakbang ay bilang bahagi ng pakikiisa ng simbahan ppara sa paghihilom at pagtulong sa mga naulila ng mga napatay na iniuugnay sa ilegal na droga.

“Dapat ang simbahan ay dumamay sa pamilya nitong mga biktima na ito kasi bahagi sila ng aming parokya, bahagi sila ng responsibilidad naming. Sapagkat hindi naman natapos ang kuwento noong napatay ang mga taong ito. May mga mahal sila sa buhay mga anak, asawa na nawalan ng tagapagtaguyod kaya bilang pamayanan, bilang simbahan nakikita naming responsibilidad ng simbahan na tulungan ang mga anak lalung lalu na sa larangan ng pag-aaral o edukasyon. At ganun din ang kanilang naulilang asawa,” ayon kay Fr. Hino.

Layunin din ng pag-uusap na mahikayat ang pamilya na iwaksi na ang ilegal na droga; mahikayat na mailapit sa Panginoon at maging aktibo sa mga gawaing simbahan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga naulilang pamilya na makaharap at makausap si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David upang ikuwento ang kanilang mga karanasan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Si Bishop David ay kilala sa patuloy nitong pagkondena sa kabi-kabilang patayan sa mga hinihinalang pusher at adik maging ito man ay kagagawan ng mga di kilalang salarin o napaslang sa police operations dahil sa ‘panlalaban’.

Ang programa ng San Ildefonso Parish ay kaugnay na rin ng pagdiriwang ng kanilang ika-25 kapistahan ng kanilang patron at bahagi ng pagninilay na makita ang gawain ng simbahan para sa pamayanan bilang lingkod ng maralita at tagapag-hatid ng Mabuting Balita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,536 total reads

 48,536 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,253 total reads

 128,253 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,700 total reads

 161,700 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,998 total reads

 196,998 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,641 total reads

 421,641 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,062 total reads

 16,062 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top