Simbahan at mga Kapilya, naging evacuation centers sa Diocese ng Virac, Catanduanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Umabot sa 2,843 pamilya o 11,065 na indibidwal ang nagsilikas sa lalawigan ng Catanduanes matapos manalasa ang bagyong Karen.

Ayon kay Rev. Fr. Renato Dela Rosa, Social Action Director ng nasabing Diocese kasalukuyan na silang nag-iikot sa mga apektadong munisipalidad at pinag-aaralan ang tugon na isasagawa ng Simbahang Katolika.

Ilan aniya Sa mga Parokya at kapilya sa Diocese ng Virac ang nagsilbing evacuation center ng mga apektadong residente kung saan sila ay pinagkalooban ng pantawid gutom tulad ng sopas.

Umaasa si Fr. Dela Rosa sa agarang pagkilos ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa relief operation habang posible namang magsagawa ng pag-agapay ang Diyosesis sa rehabilitasyon ng mga nasirang bahay matapos ang kanilang isinasagawang rapid assessment.

Samantala, Ilang mga munisipalidad pa aniya ang wala pa rin kuryente at hirap ang linya ng komunikasyon bagamat muli nang nakapaglayag ang mga bangka papunta at paalis ng isla.

Sa datos na ibinahagi ng Social Action Center ng Diocese, 1,329 na Pamilya ang nagsilikas sa Bayan ng Virac, 464 sa San Andres, 235 sa San Miguel, 73 pamilya sa Bagamanoc, 244 na pamilya sa Pandan at 53 pamilya sa munisipalidad ng Payo.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran ang bagyong Karen sa bilis na 24 na kilometro kada oras.

Inaasahang bukas ng umaga ay nakalabas na ng Philippine Area of Resposibility ang nasabing bagyo habang binabantayan naman ang posibleng pagpasok ng Tropical Storm Haima o Lawin na kasalukuyang nasa 1,616 kilometro silangan ng Visayas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top