Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nakaalerto na ang mga diyosesis na tatamaan ng bagyong Karen sa Luzon

SHARE THE TRUTH

 180 total views

Ayon kay Father Israel Gabriel ng Prelatura ng Infanta, nakahanda na ang hanay ng Simbahan sa lalawigan ng Aurora lalo’t inaasahang dito maglandfall ang bagyong Karen bukas ng madaling araw.

Sinabi ni Father Gabriel na inabisuhan na nila ang mga pari sa mga coastal areas na ihanda ang kanilang mga kababayan at umagapay sa pangangailangan sakaling magkaroon ng paglikas at pinsala sa mga kabahayan.

Tiniyak ni Fr. Gabriel na bukas ang kanilang mga Parokya para sa mga nangangailangan ng masisilungan.

Ganito rin ang pagtitiyak ni Fr. Enrique Tiongson ng Diocese of Bayombong kaugnay sa banta ng bagyo sa lalawigan ng Quirino.

Pahayag ni Fr. Tiongson nakahanda na ang mga volunteers ng Simbahan sa agarang pangangailangan ng mga residente.

“wala pa malakas na ulan at hangin dito sa viscaya at quirino pero naka stand by na ang mga volunteers sa mga parishes.” pahayag ni Fr. Tiongson.

Sa Diocese naman ng Urdaneta sa Pangasinan ay patuloy na ang pagdarasal ng mga mamamayan na hindi na magdulot ng labis na pinsala ang nasbaing bagyo.

Ayon sa Social Action Director ng Diocese of Urdaneta na si Fr. Abet Viernes, nagsisimula na ang mga pag-ulan sa kanilang lugar bagamat wala pang pagbugso ng malakas na hangin at umaasa sila na hindi na ito lalala pa sa mga susunod na oras.

Nakikipag-ugnayan naman ang Archdiocese of San Fernando sa lalawigan ng Pampanga sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga kababayan.

Ayon kay Fr. Kenneth Alde, Social Action director ng San Fernando, patuloy ang kanilang pagbabantay at humihiling sila ng pagdarasal para sa lahat.

“we’re in coordination with government agencies in data gathering and preparation. We are monitoring down to the parishes.” mensahe ni Fr. Alde sa radio veritas.

Sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang bagyong Karen 205 Km silangan ng Infanta Quezon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 180 kph.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,362 total views

 83,362 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,137 total views

 91,137 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,317 total views

 99,317 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,849 total views

 114,849 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,792 total views

 118,792 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 19,400 total views

 19,400 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 17,853 total views

 17,853 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top