Epekto ni Karen, ramdam na sa mga lugar na sakop ng Diocese of Virac

SHARE THE TRUTH

 196 total views

Nararanasan na ng Diocese of Virac sa lalawigan ng Catanduanes ang epekto ng bagyong Karen.

Ito ang ulat ni Rev. Fr. Renato Dela Rosa, Social Action Center Director ng naturang diyosesis, habang nagaganap ang patuloy na malakas na ulan at hangin sa isla ng Catanduanes dahilan upang may ilang mga pamilya na ang nagsilikas at naitala ang ilang insidente ng landslide.

Sa pinakahuling update ng SAC ng Diocese of Virac, umabot na sa 78 pamilya ang inilikas sa Virac, 35 sa Munisipalidad ng Bato, 51 sa Pandan at 23 sa San Andres habang wala na rin kuryente sa ilang mga bayan na may mga natumbang poste at humihina na rin ang linya ng komunikasyon.

“I’m locked in my parish, still can’t go out due to heavy rains and strong winds although I got some partial reports on number of evacuees from different towns. Malakas pa po at sumisipol pa ang hangin.” mensahe ni Fr. Dela Rosa sa Damay Kapanalig.

Sa lalawigan ng Albay, ay patuloy ang ginagawang monitoring ng Social Action Center ng Diocese of Legaspi sa pangunguna ni Rev. Fr. Rex Paul Arjona.

Ayon kay Fr. Arjona, wala pang naitatalang malaking pinsala sa lalawigan bagamat may mga ulat na ng isolated flooding sa mga mababang lugar partikular na sa palibot ng bato lake.

“Typhoon Karen has passed by Bicol without landfall. Still raining. Minimal damage. No power in some areas. Flooding in area surrounding bato lake. Evacuees in flooded brgys.” mensahe ni Fr. Arjona, Social Action director ng Diocese of Legaspi.

Samantala, Nakikipag-ugnayan na rin Damay Kapanalig Program ng Radio Veritas 846 sa Diocese of Libmanan sa Camarines Sur na kasalukuyan din nakakaranas ng malakas na ulan at katamtamang lakas ng hangin.wala na rin kuryente sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, huling namataan ang typhoon Karen na pang 11 bagyo ngayong taon 95 kilometro hilagang silangan ng Virac Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 180 kilometro.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 3,285 total views

 3,285 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,646 total views

 28,646 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 39,274 total views

 39,274 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 60,250 total views

 60,250 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,955 total views

 78,955 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 29,637 total views

 29,637 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 42,929 total views

 42,929 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top