3,022 total views
Pinangunahan ng mga Pari ng Archdiocese of Manila, Radio Veritas, TV Maria at Archdiocesan Office of Communication ang outreach program sa mga mag-aaral na aeta sa liblib na barangay Camias, Porac Pampanga.
Inihayag ni Father Roy Bellen, Vice-President for Operations ng Radio Veritas at General Manager ng TV Maria at RCAM-AOC na 200-estudyanteng Aeta ng Barangay Camias High School ang nabiyayaan ng outreach program.
Tumanggap ang mga estudyante na bahagi ng Aeta Magindi community ng 200-food packs para sa kanilang pamilya at emergency kits.
Ipinagkaloob din ni Father Bellen sa outreach program ang 195-arm chairs para sa mga mag-aaral na aeta ng Camias high school.
Inihayag ni Father Bellen na sa pamamagitan ng mga kaparehong programa ng simbahan at kapwa ay mapukaw ang damdamin ng isat-isa na lumapit sa mga may pinaka-nangangailangan sa lipunan.
Umaasa ang Pari na sa pamamagitan ng inisyatibo ay higit na makikita ang mahirap na kalagayan ng mga mahihirap lalu na ang mga indigenous community na magkaroon ng sapat na kaalaman para mai-angat ang antas ng kanilang pamumuhay.
“Everytime na nag-share po tayo ng ating blessing, ito ay paraan po natin ng pag- eexpress ng ating pagpapasalamat because God is always Good to us and off course sabi nga, when we are generous, you can never outdo God in Generousity na sa mata ng Diyos tayo ay mabuting katiwala na through us maraming tao po ang nakikinabang ng kaniyang biyaya sa atin kaya all of us are always encourge to share and to give,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Bellen.
Lubos naman ang papasalamat ng mga guro ng Camias High School sa paghahandog ng Radio Veritas,TV Maria at RCAM Clergy ng regalo sa mga mag-aaral na Aeta.
Sinabi ni Ms.Febie Ramirez, teacher coordinator ng Camias High School na napakabuti ng inisyatibo at napakalaking tulong sa mga guro, mag-aaral na aeta at kanilang pamilya.
Ibinahagi ni ginang Ramirez na napaliblib ng kanilang lugar kaya’t hindi agad nakakarating o madalas ang natatanggap na tulong para sa mga mag-aaral na Aeta.
Labis rin ang ipinaabot na pasasalamat ni Ramirez kay Father Bellen at sa mga katulong ng Pari upang maihatid ang tulong sa liblib na komunidad sa Baranggay Kamias.
“Maraming-maraming salamat po Father Roy and sa lahat po ng stakeholders na tumulong po sa mga pinamigay na foodpacks and Chairs po, malaking malaking tulong po ito at talagang napasaya niyo po yung mga bata at same with sa amin rin pogn mga teachers kasi isa yan doon sa mga problema po namin kasi talagang kulang po kami ng bangko so knowing magkano po ang bangko sa bawat isa so napakalaking tulong po na minsan ko lang siyang sinabi kay Father and then sabi niya, try natin maghanap tayo ng sponsors, so tuwang tuwa po kami, talagang nag-pray po kami na maibigay po talaga yung mga bangko,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ms.Febie.
Kabilang Aeta Magindi community sa kabundukan ng Porac Pampanga sa mahigit 14-milyong populasyon ng mga indegenous people sa buong Pilipinas.