342 total views
Ang ‘culture of peace’ ang higit na dapat na manaig sa bayan.
Ito ang bahagi ng panawagan ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa kanyang open letter para sa mamamayang Filipino kasunod ng panibagong serye ng karahasan sa CALABARZON na tinaguriang “Bloody Sunday” noong ika-7 ng Marso, 2021.
Ayon sa Obispo, napapanahon na upang higit na manaig ang culture of peace o kultura ng kapayapaan sa bansa na magsisimula sa bawat pamilyang Filipino.
Paliwanag ni Bishop Bagaforo, higit ng nakababahala ang paglaganap ng karahasan sa bansa kung saan maging ang United Nations High Commissioner for Human Rights ay nababahala na rin sa sitwasyon ng karapatan pantao sa bansa matapos ang mga serye ng karahasan laban sa mga magsasaka sa Negros, mga katutubong Tumandok sa Capiz, mga aktibista sa Southern Tagalog at mga pinuno ng uring manggagawa sa CALABARZON.
“The United Nations High Commissioner for Human Rights have spoken for us. The farmers in Negros, the Tumandok IP leaders in Capiz, and the activists in Southern Tagalog have died already fighting for their cause. So what about us? What is our conscience telling us? If you are disturbed as much as I was, now is the time to create a culture of peace. Let’s start within each Filipino family.” Ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa kanyang open letter para sa mamamayang Filipino.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Bishop Bagaforo na tilang nagiging bahagi na lamang ng pang-araw-araw na pamumuhay at kultura sa bansa ang karahasan na nagmumula mismo sa bibig ng pinakamataas na opisyal ng bansa na dapat ay unang nagsusulong sa pagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.
“I was alarmed by the realization that violence, which was incited at first by harmful, pervasive and deeply damaging rhetoric of the government’s highest officials, has become a daily fixture in the Philippine society.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Giit ng Obispo makalipas ang halos limang taon ng pananahimik mula sa mga karahasan at mga maling nagaganap sa lipunan ay napapanahon upang magsalita at ipakita sa mga mapang-abuso na nasa posisyon at kapangyarihan ang paninindigan ng taumbayan para sa kaayusan at kapayapaan sa bayan.
“For almost five years we have let our leaders take command of our collective silence. They interpreted our inaction and passive nature as explicit permission to stir unlawful behavior as long as it is covered by legal orders and memorandum.” Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo.