457 total views
Nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines sa pamahalaan ng masusing imbestigasyon sa madugong operasyon ng pulis at militar sa Calabarzon region.
Sa pahayag ng CEAP dapat na managot ang mga sangkot sa marahas na operasyon laban sa mga uring manggagawa na napaslang.
“The Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) vehemently condemns the killing of the nine unarmed individuals. We call on relevant government agencies – the Department of Justice, the PNP, the AFP and the CHR – to conduct investigations on this matter and make sure those responsible for the killings are held accountable to the law of the land.” bahagi ng pahayag ng CEAP.
Noong Marso 7 nagsagawa ng operasyon ang PNP at mga sundalo sa Calabarzon region laban sa labor leaders na pinaghihinalaang kasapi ng makakaliwang grupo.
Nauwi sa karahasan ang pagsisilbi ng search warrants para sa mga baril at pampasabog kung saan siyam na indibidwal ang nasawi habang anim ang inaresto.
Nanindigan si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ng Anti Rebel Task Force na lehetimo ang operasyon.
“The police claim it was a legitimate operation and yet for an institution that should practice maximum tolerance and restraint in the use of force in dispensing its responsibilities,” dagdag ng CEAP.
Kinundena rin ng simbahang katolika ang tinaguriang ‘Bloody Sunday’ sapagkat ito ay tahasang paglabag sa karapatang pantao at kawalang paggalang sa dignidad ng buhay.
Panawagan ng institusyon sa mamamayan na iwaksi ang kultura ng kawalang pananagutan at ang pagiging normal sa lipunan ng mga patayan.
Iginiit ng CEAP na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan tulad ng nangyaring massacre at dapat na kondenahin ang pagsusulong ng kultura ng pagpaslang.
“We appeal again to the government, to not pursue the path force and violence but instead, address the roots of the problem of insurgency like poverty, marginalization, and the denial of basic human needs,” dagdag pa ng CEAP.