Shortage of vocations, inamin ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,928 total reads

Inilahad ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang malinaw na direksyon ng Arkidiyosesis ng Cebu sa kanyang kauna-unahang State of the Archdiocese Address (SotAA), na nakatuon sa paghahanda para sa ika-100 anibersaryong pagiging arkidiyosesis sa 2034 sa pamamagitan ng isang synodal na paglalakbay.

Nais ng arsobispo na maging makabuluhan ang pagdiriwang upang matamasa ang grasya ng Panginoon at magdulot ng pagbabago at magandang bunga para sa lokal na simbahan.

“We have committed ourselves to a synodal journey, a shared pilgrimage toward this Jubilee, walking together as one Church,” ayon kay Archbishop Uy.

Nakatuon ang arkidiyosesis ngayong taon sa temang ” Listening Church: Hearing God’s Voice and the Cries of His People.”

Binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang SotAA ang lumalaking hamon sa hanay ng kaparian, kung saan karamihan ay papalapit na sa edad ng pagreretiro na maituturing na banta sa bokasyon.

“Nearly 60% of priests are already 50 years old and above… There is a real risk of pastoral strain and shortage if vocations do not increase,” ani ng arsobispo.

Sa kabila ng babala ng arsobispo, nanawagan ito ng agarang pagpapalakas ng bokasyon at mas malawak na partisipasyon ng mga layko.

Sa kabila nito, ipinakita rin ng Arkidiyosesis ang lakas nito sa pagtugon sa krisis.

Sa pamamagitan ng Cebu Caritas, mahigit ₱41 milyon ang nalikom at libu-libong pamilya ang natulungan matapos ang lindol at bagyo.

Patuloy ding pinalalakas ng arkidiyosesis ang mga programa sa edukasyon, katesismo, kabataan, at pangangalaga sa kalikasan.

Ibinahagi rin ni Archbishop Uy ang mga reporma sa pamamahala, kabilang ang pagpapalakas ng transparency sa pananalapi, pagbuo ng unified financial system, at layuning libreng pagpapaospital para sa mga pari.

Binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pakikiisa at pakikilahok ng bawat isa tungo sa isang matatag na simbahan at nagbubuklod na kawan.

“We are not just doing tasks. We are not just maintaining structures. Together, we are building a living Church…a Church fully alive. And no one can build this alone,” giit ni Archbishop Uy.

Photo courtesy of Archdiocese of Cebu

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,851 total reads

 78,851 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 173,483 total reads

 173,483 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,751 total reads

 217,751 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,860 total reads

 240,860 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 312,424 total reads

 312,424 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top