Kalikasan-PNE, nanawagang panagutin ang DENR at operator ng Navotas landfill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,093 total reads

Nanawagan ang Kalikasan People’s Network of the Environment (Kalikasan PNE) na panagutin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga operator kaugnay ng patuloy na sunog at pagkalat ng nakalalasong usok mula sa Navotas Sanitary Landfill.

Ayon sa Kalikasan PNE, sumiklab ang sunog noong ika-10 ng Abril na nagresulta sa sapilitang paglikas ng mahigit 300 residente pagsapit ng ika-14 ng Abril, habang makalipas ang ilang linggo, nananatili pa rin ang usok na umaabot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Iginiit ng grupo na ang Navotas Sanitary Landfill, na dating kontrolado ni Reghis Romero II at ngayon ay hawak ng San Miguel Aerocity Inc. sa ilalim ng San Miguel Corporation ni Ramon Ang, ay itinuturing na halimbawa ng negosyong nakasandig sa pagsasamantala at pagsusulong ng mapaminsalang proyekto.

“Ito ay tahasang paglapastangan sa karapatan ng mamamayan sa malinis na hangin at ligtas na kapaligiran, at malinaw na halimbawa ng kawalang-katarungang pangkapaligiran laban sa maralita at mga mangingisda,” pahayag ng Kalikasan PNE.

Tinukoy rin ng grupo ang kapabayaan ng DENR sa mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, sa gitna ng ulat na maraming landfill ang lampas na sa kapasidad at may banta ng pagtagas ng leachate at pagbuga ng methane gas.

Inihalintulad ng Kalikasan PNE ang insidente sa mga naunang pangyayari sa Binaliw landfill sa Cebu at Rodriguez landfill sa Rizal, na nagpapakita ng kakulangan ng pamahalaan sa epektibong pamamahala ng solid waste at pangangalaga sa kalusugan ng publiko.

Binigyang-diin din ng grupo na sinasamantala ng administrasyong Marcos Jr. ang mga insidente sa Binaliw, Rodriguez, at Navotas upang isulong ang “waste-to-energy” incinerators, na nagiging paraan ng pagkakakitaan ng basura kapalit ng panganib sa buhay at kabuhayan ng maralita.

“Sa halip na ayusin ang sahod at kundisyon sa paggawa, sinisisi pa ang karaniwang mamamayan sa pagdami ng basura at single-use plastics; gayong malinaw na bunga ito ng hindi sapat at hindi nakabubuhay na sahod na nagtutulak sa kanila sa pinakamurang produkto, kahit nakabalot sa plastik,” ayon sa Kalikasan PNE.

Dahil dito, iginiit ng Kalikasan PNE ang agarang pagpapatigil sa mapanganib na operasyon ng mga landfill, pagbibigay ng sapat na serbisyong medikal at kompensasyon sa mga apektadong komunidad, at papanagutin ang mga pribadong operator at opisyal ng pamahalaan na may kaugnayan sa insidente.

Una nang iginiit ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na dapat managot ang mga may responsibilidad sa insidente kung mapapatunayang may paglabag sa batas, at hinikayat ang publiko na gamitin ang kanilang karapatang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga lumalabag.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,531 total reads

 4,531 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 14,801 total reads

 14,801 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 55,796 total reads

 55,796 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 89,923 total reads

 89,923 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 146,329 total reads

 146,329 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,104 total reads

 178,104 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top