Simbahang Katolika sa Pilipinas, mayroong 9 na ‘Sede Vacante’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total views

Hinikayat ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga mananamapalataya na patuloy na manalangin para sa biyaya ng bokasyon at ang pagkakaroon ng mas maraming pang obispo sa bansa.

Ito ay upang mapunan ang siyam pang mga diyosesis na ‘sede vacante’ o walang nakaupong Obispo.

Sa kabuuan ang Pilipinas ay may higit sa 140 mga obispo kabilang na ang mga retirado.

“It is the Rome that will decide. Let us pray and mag-response ang mga pari at mga obispo. That they will do their work immediately,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Nagpapasalamat din ang arsobispo sa mga bagong itinalagang Obispo ng Santo Papa Francisco tulad ni Bishop Raul Dael na inordihan at itinalaga ng kaniyang Kabanalan Francisco bilang bagong Obispo ng Diocese ng Tandag.

Nagagalak din ang Arsobispo sa pagbibigay ng tuon ng Santo Papa Francisco sa pagtatalaga ng mga Obispo sa bawat diyosesis para kumalinga sa mga 86 na milyong katoliko sa buong Pilipinas.

Sa taong ito, pitong bagong obispo ang itinalaga ng kaniyang kabanalan Francisco para mapunan ang mga bakanteng posisyon sa mga diyosesis.

Bukod kay Bishop Dael, itinalaga din ni Pope Francis sina bishop-elects Abel Apigo sa Mati; Bartolome Santos sa Iba; Louie Galbines Kabankalan; Medil Aseo sa Tagum; Daniel Presto sa La Union; at Cerilo Casicas sa Marbel.

“Maganda at kailangan ‘yun kasi we are a catholic country so ‘yun talaga bigyang pansin bigyang halaga,” ayon pa kay Bishop Jumoad. Ang mga diyosesis ng Butuan, Daet, Ilagan, Iligan, Isabela, Malolos, Military Ordinariate, San Jose de Antique at San Jose Mindoro ay wala pang mga nakaupong obispo.

Tatlo pang Obispo sa Mindanao ang inaasahang magretiro ngayong taon kabilang na sina ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na 75-taong gulang; Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, 79; Pagadian Bishop Emmanuel Cabajar.

Base sa canon law, pinagsusumite ng liham para sa kanilang pagbibitiw ang mga cardinal, arsobispo at obispo sa oras sa pagtungtong ng ‘retirement age’ na 75.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 176,137 total views

 176,137 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 198,247 total views

 198,247 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 270,343 total views

 270,343 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 260,246 total views

 260,246 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top