SOAP project, inilunsad ng PJPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,463 total reads

Muling inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang taunang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 38th Prison Awareness Sunday sa darating na Oktubre 26, 2025.

Layuning maipamahagi ang higit 34,000 piraso ng sabon at pain relief ointment para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women.

Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) na pinamumunuan ni executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ sng mga simpleng handog ay nagsisilbing tanda ng pag-aaruga at malasakit na nagbibigay saysay at pag-asa sa mga PDLs na kadalasang naisasantabi sa lipunan.

Ayon sa PJPS, ang proyekto ay isang kongkretong paraan ng pagpapakita ng awa ng Diyos sa mga PDLs na isa ring paalala na sila ay hindi nalilimutan at patuloy na bahagi ng komunidad ng pananampalataya.

Hinihikayat ng organisasyon ang mga mananampalataya na makibahagi sa inisyatibo ito sa pamamagitan ng tulong pinansyal o donasyon.

“One way to live out this mission is through S.O.A.P. – Simple Offering of Affection to PDLs, a project of the Philippine Jesuit Prison Service Foundation. SOAP aims to provide over 34,000 Persons Deprived of Liberty in the New Bilibid Prison and the Correctional Institution for Women with a bar of bath soap and pain relief ointment—small tokens of care that carry great meaning.” Bahagi ng paanyaya ng PJPS.

Nananawagan rin ang PJPS sa mga mananampalataya na makiisa sa paglalakbay ng awa, pag-ibig, at pag-asa para sa mga PDL.

Sa temang “Our Merciful God Proclaims Hope for Us Sinners and Restores the Dignity of Persons Deprived of Liberty!”, binibigyang-diin ng PJPS ang panawagan ng Simbahan na maging kasangkapan ng awa at pagpapanumbalik ng dangal ng bawat taong nakakulong.

“As we prepare to celebrate the 38th Prison Awareness Sunday on October 26, 2025, we are invited to walk with our brothers and sisters deprived of liberty with compassion and love. This year’s theme, “Our Merciful God Proclaims Hope for Us Sinners and Restores the Dignity of Persons Deprived of Liberty!”, calls us to be instruments of mercy and restoration.” Dagdag pa ng PJPS.

Ang taon-taong paggunita ng Prison Awareness Week ay naglalayong pukawin ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga PDLs sa buong bansa, at isang pagkakataon din upang maipaalala ng Simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan, pagbabago at pagbabalik-loob ng mga PDLs sa buong bansa.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,029 total reads

 56,029 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,361 total reads

 135,361 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,806 total reads

 168,806 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,104 total reads

 204,104 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,384 total reads

 428,384 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top