Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Do something as an act of solidarity”

SHARE THE TRUTH

 488 total views

Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga pari ng Archdiocese of Manila maging sa iba pang Diocese ng Simbahang Katolika sa bansa na tulungan ang Prelatura ng Batanes matapos ang pananalasa ng bagyong Ferdie.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga pari, mga Church institutions at mga layko na sikaping magpadala ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa Batanes.

Ipinaalala ng Kardinal na huwag nating ilalayo ang ating sarili sa mga nangangailangan.

“Huwag nating ilalayo ang ating sarili sa mga nangangailangan. Do something as an act of solidarity,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ang panawagan ay tugon ni Cardinal Tagle sa apela ni Prelature of Batanes Bishop Camilo Gregorio na tulong matapos ang pananalasa ng bagyong Ferdie sa kanilang lalawigan.

Sa mensaheng ipinadala ni Bishop Gregorio sa mga Obispo at mga institusyon ng Simbahang Katolika, inihayag nito ang malaking pinsala ng bagyong Ferdie sa mga kabahayan at mga Simbahan sa Batanes.

Sa kabila ng pinsala, ipinagpasalamat ni Bishop Gregorio na walang nasawi sa mga residente sa pananalasa ng bagyo.

Kinumpirma naman ng Obispo na sa kasalukuyan ay hirap pa rin ang komunikasyon sa lalawigan at wala pang dumarating na tulong mula sa gobyerno para nasalanta ng bagyong Ferdie.

Nanawagan ang Obispo sa iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika na tulungan sila sa pagbangon at ipinalangin mula naman sa posibleng epekto ng bagyong Gener.

“All lines of Communication down except cellphone signal in and only in town of Uyugan. I am texting from there. We are devastated by super typhoon Ferdie. Thank God no casualties but severe structural damages. The Cathedral and rectory destroyed. Houses and buildings are damaged. We are safe but suffering. Financial aid needed. We appeal to NASSA, Caritas Manila, And to all Bishops. All flights cancelled because of another typhoon Gener coming our way. Please pray for us, we are still surviving. No government assistance at all,”apela ni Bishop Gregorio.

Sa datos ng National Statistic Office, ang Batanes ay mayroong mahigit sa 17-libong populasyon.

Magugunitang ang bagyong Ferdie ang ika-6 na bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility(PAR) ngayong taong 2016 habang ang bagyong Gener naman na kasalukuyang kumilos pa hilagang kanluran ay nagbabanta din sa Batanes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,755 total views

 13,755 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,692 total views

 33,692 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,952 total views

 50,952 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,501 total views

 64,501 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,081 total views

 81,081 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,273 total views

 7,273 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 31,774 total views

 31,774 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 45,066 total views

 45,066 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top