1,504 total views
Idinaos ng Stella Maris Philippines ang gift giving sa mga mangingisda ng Mactan Channel sa Cebu bilang pakikiisa sa mga pinaka-nangangailangan ngayong Semana Santa.
Ayon kay Stella Maris Philippines National Director Father John Mission, ito ay upang ipadama sa mga mahihirap lalu na sa mga mangingisda na kaisa nila ang Stella Maris sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.
Inihayag ni Fr.Mission na ito ay pagkilala din sa mga mangingisda at kanilang pamilya na hinaharap ang araw-araw na pagsubok sa buhay.
“As we enter this holiest week of the year, we reflect on the passion, death, and resurrection of our Lord Jesus Christ. We are reminded that He came to serve, especially those who are marginalized, at Stella Maris, our daily mission is to make a meaningful difference in the lives of those at sea who are in need of care and compassion. We have a special responsibility to reach out to our fishermen, who work tirelessly to provide for their families. These individuals often face challenges that go unnoticed, and it is our calling to support them,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Fr.Mission sa Radio Veritas.
Ayon sa Pari, ang paghahandog ng regalo sa mga mangingisda ay regular na gawain ng Stella Maris Philippines na parehong isinasagawa tuwing Holy Week, Sea Farers Sunday, Fisherfolks Day at Sea Sunday.
Kasama din sa programa ng Stella Maris Philippines ang pakikipagtulungan sa International Labor Organization upang makapagdaos naman ng mga ‘Pre-departure Modules’ para sa mga Pilipinong Migranteng mangingisda upang maging handa sa kanilang trabaho sa ibayong dagat o makaiwas sa mga illegal recruiters at human trafficking.
“In fulfilling the mandate of Jesus to “Do this in remembrance of me,” we commit ourselves to serve and bring hope to our brothers and sisters in need. Let us continue to embody His love through our actions,” bahagi pa ng mensahe ni Father Mission.
Naging katuwang naman ng Stella Maris Philppines sa gift-giving sa Mactan Channel ang Cebu Port Authority, mga estudyante ng University of San Jose-Recoletos (USJR) sa pangunguna nina Mr.John Francis Sebial, Mr.Rhodnie Acera at Shirley Cejas.
Sa mga pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong 2023, nangunguna ang mga mangingisda at magsasakang Pilipino sa pinakamahihirap na sektor ng manggagawa sa bansa.