Sub-standard na bollards sa NAIA terminal 1 , pinapaimbestigahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,648 total views

Inatas ng Malacañang ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing substandard o depektibong bollards na naka-lagay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang kautusan ay kasunod ng naganap na insidente kung saan dalawang katao ang nasawi, kabilang na ang isang 5-taong gulang na batang babae matapos masagasaan ng SUV.

Batay sa inisyal na ulat, sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at sumalpok sa mga bollards sa labas ng paliparan.

Sa halip na mapigil ang sasakyan, ay nagpatuloy ito sa pag-andar at bumangga sa mga taong nasa paligid, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa at pagkakasugat ng ilan pang indibidwal.
Isa sa mga tinutukoy na posibleng sanhi ng insidente ay ang mahinang kalidad ng bollards na hindi nakapagsilbing epektibong harang.

Ang bollards ay isang posteng harang na inilalagay sa mga pampublikong lugar tulad ng bangketa, kalsada at paliparan, na nagsisilbing proteksyon sa mga gusali at pedestrian upang pigilan ang mga sasakyan.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, ikinalulungkot ng pamahalaan ang insidente, lalo na kung mapatutunayang ang mga bollards ay hindi tumugon sa nararapat na pamantayan ng kaligtasan.

Ang naturang bollards ay na-install noong Hulyo 2019 sa ilalim ng nakaraang administrasyon, partikular sa panahon ng dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
“Sa direktiba ng Pangulo, iniimbestigahan na ang proseso ng procurement at ang mga teknikal na detalye ng nasabing proyekto,” ani Castro. “Kaagad ding inatasan si Secretary Vince Dizon na pangunahan ang pagsusuri sa kasalukuyang mga bollards at tiyakin ang kanilang agarang pagpapalit upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.”

Iginiit ni Castro na hindi palalagpasin ng administrasyon ang anumang uri ng kapabayaan, lalong-lalo na kung ito ay may kaugnayan sa katiwalian sa mga kontrata ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 28,463 total views

 28,463 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 49,443 total views

 49,443 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 71,871 total views

 71,871 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 244,930 total views

 244,930 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 220,450 total views

 220,450 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top