Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,224 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Unang Linggo ng Adbiyento, 01 Disyembre 2022, Mt 7:21,24-27

Noong kabataan ko pa, sumikat ang commercial ng isang Bangko dahil sa slogan na inuulit-ulit sa radyo at TV: “Subok na Matibay, Subok na Matatag.” Kaya nang na-bankrupt at tuluyang bumagsak ang nasabing bangko, naging parang katatawanan ang pinasikat na slogan. May isang entertainment host sa isang noontime TV show, inispoof niya ang slogan: “Subok na mahina, Lubos nang Malansag.”

Parang naging aral iyon sa mga kliyente; ang ebidensya ng katatagan ng isang kumpanya ay wala sa sinasabi. Nasa ginagawa. Para bang bumili ka ng bahay na nakatayo na. Maaaring ang nakikita mo ay maganda at maayos, pero ang pinakaimportante, ang nagbibigay tatag ay hindi mo nakikita dahil nasa ilalim. Ito ang pundasyon.

Nakikita natin ang madalas mangyaring mga landslide sa Baguio City, di ba? Kung paanong gumuguho at bumabagsak ang naglalakihang mga bahay kapag merong landslide. Habang dumadausdos pababa, nakikita mo ang mahinang pundasyon.

Ang ebanghelyo natin ngayon ay hindi naman tungkol sa pagtatayo ng bahay. Talinghaga lang ito. Mga tipo ng pagkukumpara o paglalarawan na nagpapakita sa carpentry background ni Hesus. Pero tungkol sa pagiging alagad ang talagang punto niya. Na kahit totoo na napakahalaga sa buhay ng alagad na malaman o matutuhan ang Salita ng Diyos, sa bandang huli, ang tunay na mahalaga ay ang pagsasagawa o pagsasabuhay nito.

Sa Tagalog, pag nagreact ang tao sa pangako ng isang taong kilala niyang hindi tumutupad ng salita, minsan sinasabing patalinghaga, “Ay naku, isulat mo sa tubig.” Ibig sabihin, madaling maglaho o makalimutan o hindi maaasahan. Pero pag kapani-paniwala ang nagsasalita, nasasabi, “Ah iyan, itaga mo sa bato.” Ibig sabihin hindi nabubura, pinaninindigan, o tinatayaan ng tao ng buo niyang pagkatao.

Sa Genesis, sa kuwento ng paglikha, sapat na sa Diyos na sabihin “Magkaroon nito o magkaroon ng ganoon at nagkakaroon nga. Ibig sabihin, ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan. Nakapangyayari, nakalilikha, nakapagbabago. Kaya hindi sapat para sa atin na ituring si Kristo bilang bilang Propeta o Tagapagsalita o Tagahatid ng Salita. Siya mismo ang SALITA, salitang nagkatawang tao. Ang buong buhay niya, isip niya, ugali niya at pakikitungo sa kapwa, ang mismong gawain niya ay nagpapatotoo sa Salita ng Diyos.

Ang pinakamasakit na batikos na nabitawan ni Hesus tungkol sa mga Pariseo ay “Sundin ang sinasabi nila ngunit huwag pamarisan ang ginagawa nila.” Walang saysay ang Salitang hindi napaninindigan, o naisasabuhay. Hindi nagkakatawang-tao.

Ang katatagan ng disipulo ay nakikita lalong-lalo na sa mga sandali ng pagsubok. Nananatili, kahit hagupitin ng mga bagyo at unos ng buhay. Lumipas man ang langit at lupa, ang Salita ng Diyos ay hindi kailanman lilipas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 51,185 total views

 51,185 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 62,902 total views

 62,902 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 83,735 total views

 83,735 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 99,455 total views

 99,455 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 108,689 total views

 108,689 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 4,311 total views

 4,311 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 3,442 total views

 3,442 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 3,283 total views

 3,283 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 4,696 total views

 4,696 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 6,693 total views

 6,693 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 3,933 total views

 3,933 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 5,258 total views

 5,258 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 5,456 total views

 5,456 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

GULONG NG PALAD

 6,168 total views

 6,168 total views 16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon, Lucas 6:17, 20-26 (See English version below, after the Original Tagalog text.) Isa sa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

OPEN OUR HEARTS

 6,447 total views

 6,447 total views Homily for February 14, 2025, Mk 7:31-37 EPHPHATA! BE OPENED! This is the cry of Jesus that opened the closed mouth and ears

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

POWER

 9,465 total views

 9,465 total views Homily for Tues of the 4th Wk in OT, 4 Feb 2025, Mk 5:21-43 The Gospel tells us Jesus felt power come out

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

SLOWLY BUT SURELY

 7,871 total views

 7,871 total views Homily for Friday of the 3rd Week in OT, 31 January 2025, Mk 4:26-34 There is a scene in the old movie on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 11,088 total views

 11,088 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 13,224 total views

 13,224 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top