Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 220 total views

Mga Kapanalig, nitong nakaraang mga linggo makailang ulit na nagtaas ang presyo ng petrolyo.  Kung ihahambing ang presyo ng krudo o diesel noong Oktubre ng nakaraang taon, umakyat ito ng labingwalong piso sa loob lamang ng nakaraang siyam na linggo.

Kaya naman, dumadaing ang mga tsuper ng mga jeep dahil sila ang pumapasan ng malaking dagdag na halagang ito. Maliban sa mga tsuper, ang kita ng mga mangingisda ay labis na naapektuhan din ng labis na pagtaas ng presyo ng krudo. Dahil dito, napag-uusapan ang pagsuspinde ng pagpapataw ng excise tax sa petrolyo upang hindi na lalo pang tumaas ang presyo nito at hindi kailanganing magtaas ng pamasahe na magiging pahirap din sa mga mananakay na mababa rin ang kinikita.

May iba namang nagsasabing imbis na suspindihin ang pangongolekta ng excise tax, bakit hindi na lang magbigay uli ng espesyal na ayuda o subsidiya para sa mga tsuper na apektado ng pagtaas ng presyo ng petrolyo gaya ng ginawa noong nakaraang taon sa ilalim ng Bayanihan 2?  Ang ganitong uri ng tulong ay isang subsidiya na binigigay ng gobyerno upang maibsan ang pasanin ng mga tsuper at mga mananakay. Kapag sinuspinde ang excise tax, malaki ang makokolektang buwis ng pamahalaan na kailangan naman nito upang matustusan ang mga serbisyong pampubliko at mga itatayo o kukumpunihing imprastruktura. Makikinabang din ang mga hindi naman nangangailangan ng tulong katulad ng mga maykayang marami ang sasakyan at mga kumpanyang malakihang gumamit ng petrolyo.

Kung ang tulong sa mga nangangailangan ay ibibigay sa pamamagitan ng direktang subsidiyang matatanggap mismo ng mga apektadong sektor ng mga tsuper at mangingisda, mas maliit ang halagang gagastusin ng gobyerno at ang mga tunay na nangangailangan ng tulong ang matutulungan.  Dapat lang tiyaking lahat ng dapat tumanggap ng subsidiya ay maaabot; noong namahagi ng tulong sa mga tsuper sa ilalim ng Bayanihan 2, dumaing ang ilang tsuper na hindi naabutan ng tulong.

Sa pagtatakda ng mga patakaran, ang dapat na pamantayan ay kung ano ang higit na magiging kapakipakinabang sa mga nangangailangan. Sa isang banda, kung sususpindihin ang excise tax, dapat timbangin kung aling mga serbisyo ang maaaring masakripisyo at kung ilan rin ang hindi makatatanggap ng serbisyong kailangan nila dahil sa lumiit ang panustos ng gobyerno. Sa kabilang banda, kung subsidiya naman ang pipiliing paraan ng pagtulong sa mga manggagawa at mga tsuper, kailangang siguruhing maayos ang pagtukoy ng mga bibigyan ng tulong pinansiyal upang lahat ng nangangailangan ay makatanggap ng subsidiya. Alinman ang mapipiling paraan, mahalagang ang basehan o pamantayan ng pagdedesisyon ay ang kapakanan ng mga apektado at nangangailangan.

Sa Isaiah 1:17, pinababatid ng Panginoon na ang katarungan para sa Kanya ay ang pagkalinga sa mahihirap at mahihina sa lipunan. Sabi Niya, “Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.” Malinaw na ang panukatan ng Panginoon kung ang Kanyang bayan ay tumatalima sa Kanya ay kung paano nito inaalagaan ang pinakamahihina.

Mga Kapanalig, sa gitna ng pandemya at pagdapa ng ekonomiya, dumarami ang mga naghihirap, ang mga walang kakayahang tugunan ang kanilang pinakasimpleng pangangailangan.  Pinapaalala sa atin ng ating Simbahang ang pagkalinga sa mahihirap ay hindi lamang ginagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng materyal o pinansyal na ayuda. Ang pagtulong ay dapat kinikilala at pinauunlad ang dignidad nila bilang tao at anak ng Diyos. Sabi nga ni Pope Francis, ang bawat tao ay sinasalamin ang Diyos na patuloy na lumillikha at kapwa-manlilikha ng tao. Ang mga manggagawang inaabutan natin ng tulong o ayuda katulad ng mga tsuper, mangingisda, at magsasaka, ay ang mga manggagagawang sandigan ng ating ekonomiya na bumubuhay sa ating lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,439 total views

 7,439 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,412 total views

 13,412 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 19,167 total views

 19,167 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,430 total views

 26,430 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,414 total views

 34,414 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 7,440 total views

 7,440 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 13,413 total views

 13,413 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 19,168 total views

 19,168 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 26,431 total views

 26,431 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 34,415 total views

 34,415 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,571 total views

 35,571 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,575 total views

 47,575 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,617 total views

 55,617 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,174 total views

 47,174 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,599 total views

 45,599 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,385 total views

 47,385 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,310 total views

 44,310 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,624 total views

 58,624 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,314 total views

 62,314 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,917 total views

 60,917 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top