Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suspension ng “writ of habeas corpus”, magbabalik sa martial law

SHARE THE TRUTH

 538 total views

Naniniwala ang isang Mindanao Bishop na tutungo sa martial law ang pagsusulong ng suspension ng writ of habeas corpus sa Senado na magdudulot ng warantless arrest.

Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, dapat nang matuto ang sambayanang Filipino sa nangyaring martial law at hindi na ito dapat na umiral pang muli sa bansa.

Inihayag ni Bishop Cabantan na hindi dapat hayaan ng mga Filipino na muling maranasan ng bagong henerasyon ang lagim at nakakatakot na batas militar sa bansa na naging dahilan ng maraming paglabag sa karapatang pantao.

“We have to learn the lesson during Martial Law and we do not want to experience that horrible thing again,”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.

Nilinaw ng Obispo na personal siyang tumututol sa suspension of writ of habeas corpus dahil ayaw niyang mauulit pa ang mga paglabag sa karapatang pantao at mga involuntary disappearance.

“I disagree because even if it’s not martial law but that can lead to abuses as in the past with many desparacidos or many disappearances,”giit ng Obispo.

Sa datos ng Amnesty International, umaabot sa 70,000 katao ang nakulong, 34,000 naman ang na torture at 3,240 ang pinatay habang 1,838 ang biktima ng involuntary disappearances sa mahigit isang dekadang implementasyon ng martial law sa Pilipinas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,610 total views

 107,610 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,385 total views

 115,385 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,565 total views

 123,565 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,551 total views

 138,551 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,494 total views

 142,494 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 98,780 total views

 98,780 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 64,261 total views

 64,261 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top