Suspension ng Writ of Habeas Corpus, magdudulot ng pang-aabuso.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total reads

Nangangamba ang National Union of Peoples’ Lawyers in the Philippines sa seryosong implikasyong idudulot ng pagsuspendi ng Writ of Habeas Corpus na magpapahintulot sa warrantless arrest.

Ayon kay Atty. Edre Olalia – pangulo ng N-U-P-L, direktang malalabag ang karapatang pantao at kalayaan ng mga mamamayan sa suspension ng “writ of habeas corpus” dahil sa pagnanais ng pamahalaan na tuluyang masugpo ang droga at kriminalidad sa bansa.

Naniniwala si Atty. Olalia na aabusuhin ng mga otoridad ang pagsuspendi sa naturang prebelehiyo kung saan nasasangkot na ang maraming miyembro ng P-N-P sa extra-judicial killings.

“Kung isu-suspend yung privilege of Writ of Habeas Corpus, may seryosong implikasyon yan sa kalayaan natin at sa ating mga karapatan kasi yung aresto ay pu-puwedeng gawin na nang hindi kailangan ng warrant, tapos hindi kailangan kasuhan kaya ito ay pu-pwedeng maabuso, lalo na ngayon meron ngang prebelehiyo ng Habeas Corpus pero nagkakaroon pa rin ng mga pang-aabuso, napapaikutan yan tapos maraming legal shortcut”. pahayag ni Olalia sa Radio Veritas

Inihayag rin ni Atty. Olalia ang posibilidad na mauuwi sa pagdedeklara ng Batas Militar ang sinasabing pagsuspendi ng Writ of Habeas Corpus na ginawa ng dating pangulong Marcos noong August 1971 bago tuluyang idineklara ang Martial Law noong 1972.

Ikinatwiran naman ng Malacanang na ang pahayag ng Pangulong Duterte ay ilan lamang sa mga ideya upang ganap ng masugpo ang laganap na kalakalan ng illegal na droga at kriminalidad sa bansa.

Matatandaang unang idineklara ng Pangulong Duterte ang State Of National Emergency on the account of lawless violence matapos ang Roxas Night Market bombing sa Davao City na ikinasawi ng may 14-katao.

Nasasaad sa 1987 constitution na tanging paglusob sa bansa, rebelyon, at kung may tuwirang banta sa kaligtasan ng publiko ang maaring maging basehan sa pagsuspendi sa Writ of Habeas Corpus na siyang magpapahintulot sa warrantless arrest.

Kaugnay nito, nanindigan si dating CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na hindi makatutulong ang panukala at lalo lamang magpapagulo sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 152,216 total reads

 152,216 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 183,773 total reads

 183,773 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 217,897 total reads

 217,897 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 274,303 total reads

 274,303 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 38,371 total reads

 38,371 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top