Deportation ng mga OFW sa Amerika, ipinagkibit-balikat ng DFA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 428 total reads

Ipinagkibit balikat lamang ng D-F-A o Department of Foreign Affairs ang balakin ni US president elect Donald Trump na ipa-deport ang 3-milyong immigrants sa Estados Unidos ngayong taon.

Ayon kay DFA Assistant Sec. Charles Jose, napanatili ng tinatayang mahigit sa 3- milyong Overseas Filipino Workers sa Amerika ang kanilang mabuting imahe sa pagsunod sa batas at tapat na pagbabayad ng buwis.

Pinasinungalingan naman ni Jose ang inilabas na datos ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mahigit 200-libo ang mga irregular na Pinoy o TNT “tago ng tago” sa Amerika.

Nilinaw ni Jose na iilan lamang ang mga Pilipino sa Amerika na may kaso ng paglabag sa immigration ngunit nangingibabaw pa rin ang mabuting imahe ng mga Filipino community sa US.

“ Karamihan sa more than 3 million na Filipinos sa United States ay regular ang kanilang status, masunurin sila sa mga batas, nagbabayd sila ng tamang buwis…Occasionally, may nabibilang dito na mga Pilipino pero ito yung may mga offenses either immigration offenses pero karamihan sa ating mga Pilipino sa US ay maayos ang kanilang status kaya para sa amin hindi masyadong magiging malaki ang epekto ng pronouncement ni President elect Trump sa Filipino community sa United States,” giit pa ni Jose sa Radyo Veritas.

Pinayuhan naman nito ang ilang mga Filipino sa US na nagtatago pa rin na kumuha na ng “green card” upang maging legal ang kanilang panunuluyan roon at sumunod lamang sa mga panuntunan ng US government.

“Dapat ma – regularize ang kanilang status dun from TNT makakuha sila ng “green card” para maging legal ang kanilang stay dun. Secondly, patuloy nilang i – maintain ang kanilang good standing maging masunurin sila sa batas ng US at huwag silang magko – commit ng any offense,” payo pa ni Jose sa mga OFWs doon.

Nabatid na tinatayang nasa 11 milyon ang mga illegal immigrants sa Amerika mula sa Asya kung saan 300-libo sa mga ito ay mga Pilipino.

Samantala, nauna na ring pinag – iingat ni CBCP – Episcopal Commission Migrants and Itinerant People chair at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga OFWs na maging tapat sa batas ng US upang maiwasan ang anumang kapahamakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 124,603 total reads

 124,603 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 218,632 total reads

 218,632 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 262,900 total reads

 262,900 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 286,008 total reads

 286,008 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 355,365 total reads

 355,365 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 288,246 total reads

 288,246 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 402,636 total reads

 402,636 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top