Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taga-Bohol, hindi pa rin nakakabangon sa epekto ng lindol.

SHARE THE TRUTH

 383 total views

Binigyang halaga ng Sacred Heart Academy sa Loon,Bohol kung paano nakatulong ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang katolika para sa kanilang pagbangon mula sa epekto ng kalamidad partikular na ng Magnitude 7.6 earthquake noong taong 2013.

Ayon kay Rev.Father Ruel Ramon Tumangday, School Director ng nasabing paaralan, hindi nila malilimutan ang matinding pinsala na iniwan ng naganap na lindol sa kanilang mga buhay lalo na sa mga paaralan at maging sa Simbahan.

Inalala ni Fr. Tumangday kung paano sila bumangon mula sa epekto ng kalamidad mahigit tatlong taon na ang nakakalipas kung saan naging makabuluhan tulong sa kanila ng ibang organisasyon ng Simbahan tulad ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila.

“Sa ngayon po nagpapasalamat po kami in the name of the Parish at ng Parochial School sa Caritas Manila, especially yung unang 4 classroom na ipinagawa namin malaking tulong po dun ang Caritas Manila, ngayon po kungh pwede po sana hingi pa din kami ng additional help especailly for classrooms kasi malaki pa talaga ang kulang. para mailipat na namin ang mga nasa makeshift classroom na nakaka awa po.”pahayag ni Fr.Tumangday sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, Aminado ang Pari na magpa-hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nasisimulan na ipagawa ang mga Heritage Churches na nasira sa Bohol dahil hawak ito ng National Museum.

Umaasa si Father Tumangday na sa lalong madaling panahon ay mabibigyan na ng pansin ang pagkukumpuni ng mga nasirang simbahan.

“Ngayon po wala pa talaga movement although yun national museum sinabi na sa amin it is now on the process for reconstruction pero ngayon po wala pa talaga mga nangyayari.”pahayag ng pari sa Radio Veritas

Magugunitang taong 2013 ng tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa lalawigan ng Bohol at Cebu kung saan halos 20 Simbahan ang nasira at mahigit 200 katao ang nasawi.

Naging maagap naman ang Simbahang katolika sa pagpapadala ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad sa pamamagitan ng pagtulong sa rehabiltiasyon ng mga nasirang paaralan at kabahayan ng mga mahihirap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 41,222 total views

 41,222 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 54,658 total views

 54,658 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 71,008 total views

 71,008 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 79,605 total views

 79,605 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 24,845 total views

 24,845 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top