Panandaliang kadiliman, magbibigay ng bagong lakas sa daigdig.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 403 total reads

Ang panandaliang pagpapasailalim sa kadiliman ay magdudulot ng bagong lakas sa daigdig.

Ito ang inihayag ni Dumaguete Bishop Julito Cortez – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Health Care kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Earth Hour ngayong Sabado ika-25 ng Marso simula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya ng gabi.

Paliwanag ng Obispo, sa sandaling paghahari ng kadiliman ay muling madarama ng tao ang kapayakan ng buhay at ang simpleng daloy nito bago pa binulag ng mapangtuksong ilaw ng mundo ang mga tao.

“Itong pagdiriwang natin ng Earth Hour, pinaghahari natin ang kadiliman, kung gayon itong ating pagpapasailalim sa kadiliman sa loob ng isang oras ay isang pagtatangkang ulitin ang kapayakan sa ating buhay, gaya ng simpleng daloy ng buhay noon bago pa nadiskubre ang elektrisidad at pagkainosente n gating buhay noon bago pa tayo nalinlang ng mapantuksong ilaw ng mundo.” Pahayag ni Bp. Cortez sa Radyo Veritas.

Samantala iginiit naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na ang pagrespeto sa Kalikasan ay may kaakibat din na pagrespeto sa buhay ng bawat nilalang na naninirahan dito.

“When you respect mother Earth, we respect everybody because of our relatedness to each other. That is a fundamental, physical, anthological, and theological reason why we should respect one another including Death Penalty” Pahayag ni Bp. Bastes sa panayam ng Radyo Veritas.

Dahil dito, ayon kay Bishop Cortez, nawa ay maging okasyon ang earth hour upang muling mamangha ang tao sa ganda ng kalikasan at mapahalagahan nito ang liwanag na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng buwan at mga bituin.

“Maging okasyon sana itong Earth Hour upang matamasa at mamangha ulit sa ganda ng kalikasan, katulad ng buwan at mga bituin na magliliwanag sa ating mga daraanan, bago pa sila itinago ng mga nakasisilaw at mga nakabubulag na mga ilaw mula sa elektrisidad sa ating kapaligiran.” Dagdag pa ni Bishop Cortez.

Nauna rito, nanawagan ang mga lider ng Simbahang Katolika na pagpahingain sandali ang mundo.

See: http://www.veritas846.ph/stop-ecocide-pagpahingain-ang-mundo/

Ngayong taon ang ika-sampung anibersaryo ng Earth Hour kung saang pangunahing panawagan ang pagtitipid sa kuryente, at tubig at iba pang likas na yaman ng mundo na unti-unti nang nauubos. Layon din nito na itaguyod ang paggamit sa mga renewable energy na sya ring inendorso ni Pope Francis sa Laudato Si.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 13,467 total reads

 13,467 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,965 total reads

 73,965 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 95,571 total reads

 95,571 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 176,226 total reads

 176,226 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 277,224 total reads

 277,224 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 371,724 total reads

 371,724 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top