Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Takot at pagsasawalang kibo sa madugong war on drugs, pinuna ng CBCP.

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Nagpahayag ng lubos na pagkabahala ang Catholic Bishops Conference of the Philipines o C-B-C-P sa napakaraming namamatay at napapatay dahill sa paglaban ng pamahalaan sa illegal na droga sa bansa.

Sa ipinalabas na pastoral statement, binatikos ng C-B-C-P ang umiiral na “reign of terror” o marahas at madugong pamamaraan ng pamahalaan sa pagsugpo ng iligal na droga dahil sa kawalan ng paggalang sa batas at buhay ng tao.

Binigyan-diiin ng CBCP na hindi pagpatay sa mga hinihinalang gumagamit at nagtutulak ng droga ang lunas sa laganap na industriya ng iligal na droga sa bansa.

“Labis kaming nababahala, kaming inyong mga Obispo, sa maraming namamatay at pinapatay sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot o droga. Totoong malaking problema ang droga. Dapat itong sugpuin at pagtagumpayan. Pero ang lunas ay wala sa pagpatay ng mga pinaghihinalaang gumagamit o nagtutulak ng droga. Hindi lang kami nababahala sa mga pinatay. Nakababahala din ang kalagayan ng mga pamilya ng mga nasawi. Mas lalong pinahirapan ang buhay nila. Nakababahala rin ang takot na naghahari sa maraming lugar ng mga mahihirap.” bahagi ng liham pastoral ng CBCP.

Naninindigan ang kapulugan ng mga Obispo na sa pamamagitan ng rehabilitasyon at pagkakataong magbago ang mga nalulong dito sa pamamagitan ng gabay ng katotohanan at katarungan.

Inihayag din ng CBCP ang pagkaalarma sa pagiging manhid ng lipunan sa mga pagpatay na walang napapagot sa batas.

“Marami ang nasasawi na hindi naman droga ang dahilan. Hindi na napananagot ang mga pumapaslang. Mas lalong nakababahala ang pagiging manhid ng marami sa ganitong katiwalian. Itinuturing na lang na ito ay normal, at ang masama pa ay iniisip ng marami na nararapat lang daw itong gawin.Nakikiisa kami sa layuning pagbabago na hinahangad ng marami nating mga kababayan. Ngunit ang pagbabago ay dapat gabayan ng katotohanan at katarungan. May mga batayang aral na ating pinaninindigan.” paninindigan ng CBCP

Nilinaw ng CBCP ang mga dahilan ng pagtatanggol nito sa buhay dahil ang buhay ng tao ay regalo at nagmula sa Diyos.

“Ang buhay ng bawat tao ay galing sa Diyos. Ito ay kanyang kaloob at siya lang ang makababawi nito. Kahit ang pamahalaan ay walang karapatan na kumitil ng buhay sapagkat siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang may-ari nito.”diin ng CBCP

Iginiit ng CBCP na ang pagsira ng sariling buhay at buhay ng iba ay isang malaking kasalanan at nagdudulot ng kasamaan sa lipunan.

“Ang pagsira ng sariling buhay at ng buhay ng iba ay isang malaking kasalanan at nagdudulot ng kasamaan sa lipunan. Ang paggamit ng droga ay tanda ng pagpapawalang-halaga sa sariling buhay at nagbibigay ng panganib sa buhay ng iba. Dapat pagtulung-tulungan nating lahat na malutas ang problema sa droga at suportahan ang rehabilitasyon ng mga nalulong ditto. Ang bawat isa ay may karapatang maturing na walang sala hanggang mapatunayan na siya ay nagkasala. Ang lipunan ay may pamamaraan at proseso upang mahuli, mapatunayan ang kasalanan, at maparusahan ang gumagawa ng krimen. Ang prosesong ito ay dapat sundin, lalo na ng mga alagad ng batas.”pahayag ng mga Obispo

Tinukoy ng CBCP ang malalim na ugat ng problema ng droga at kriminalidad ay ang kahirapan ng nakararaming mga tao, ang pagkasira ng pamilya, at ang korapsyon sa lipunan na dapat solusyunan ng pamahalaan at Simbahan.

“Ang malalim na ugat ng problema ng droga at ng kriminalidad ay ang kahirapan ng nakararaming mga tao, ang pagkasira ng pamilya, at ang korapsyon sa lipunan. Ang nararapat na hakbang na dapat nating gawin ay sugpuin ang kahirapan, lalo na ang pagbibigay ng permanenteng trabaho at sapat na sahod sa mga manggagawa. Palakasin at itaguyod ang pagkakaisa at pagmamahalan ng mga mag-anak. Huwag payagan ang mga batas na lulusaw sa pagkakaisa ng mga pamilya. Dapat ding unahin ang pagtatama at pagtatanggal sa mga tiwaling pulis at korapsyon sa mga hukuman. Ang napakabagal napagsulong ng mga kaso sa hukuman ay isang malaking dahilan ng paglaganap ng kriminalidad at kawawang kalagayan ng mga nasa kulungan. Kadalasan ang mga mahihirap ang nagdurusa sa ganitong sistema.Nananawagan din kami sa mga nahalal na mga politiko na paglingkuran ang pangkalahatang kabutihan ng bayan at hindi ang sariling interes.”

Ipinaalala ng CBCP na ang
pagsang-ayon at pagsasawalang-kibo sa kasamaan ay pakikiisa na rito.

“Kapag pinabayaan natin ang mga nalulong sa droga at nagtutulak nito, tayo ay bahagi na ng drug problem. Kapag sinang-ayunan o pinabayaan natin ang patuloy na pagpatay sa mga itinuturing na lulong sa droga at mga nagtutulak nito, kasama na tayong mananagot sa pagpatay sa kanila”.pahayag ng CBCP

Tiniyak naman ng CBCP na ang Simbahan ay magiging katuwang ng pamahalaan upang labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng mga programa at sa pagiging simbahan ng mga dukha.

“Pagsusumikapan naming mga namumuno sa Simbahan na isulong at ipagpatuloy pa ang mga programa na makatutulong sa pag-aangat sa kalagayan ng mga mahihirap, tulad ng mga programang pangkabuhayan, edukasyon at pangkalusugan. Higit sa lahat, isasabuhay namin, at nating lahat, ang pagiging tunay na Simbahan ng mga dukha.”diin ng CBCP

Hinimok ng CBCP ang mga Pilipino na matakot at magsawalang kibo bagkus pairalin ang lakas ng loob at lakas na dulot ng pananampalatayang Kristiyano.

Ang liham pastoral ay binasa sa Sunday masses ng lahat ng Simbahan sa bansa.

“Huwag sanang mamayani sa atin ang takot at pagsasawalang-kibo. Pairalin sana natin hindi lang ang lakas ng loob, kundi ang lakas na dulot ng pananampalatayang Kristiyano. Nangako ang ating Panginoong Jesus:“Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan.” (Juan 16:33) “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? ….Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y magtatagumpay sa pamamagitan niya(ni Cristo) na nagmamahal sa atin.” (Roma 8:35,37) Oo nga, “sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan sa espiritung nasa mga makasanlibutan.” (1 Juan 4:4)

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 7,080 ang napatay dahil sa paglaban ng pamahalaan sa iligal na droga sa bansa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 2,511 total views

 2,511 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 21,538 total views

 21,538 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 16,894 total views

 16,894 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 25,604 total views

 25,604 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 34,363 total views

 34,363 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 26,010 total views

 26,010 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December 25, 2018 It is Christmas. It means that God has become like us in all things except sin. God has embraced our hunger and poverty. God has joined us in

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 26,019 total views

 26,019 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon Today is the feast of Saint Matthew one of the writers of the Gospel. He found Jesus. He followed Jesus. He wrote about Jesus. He died like Jesus offering the

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Final Message of the Second Synod of Lingayen Dagupan

 26,006 total views

 26,006 total views MESSAGE to the PEOPLE OF GOD Communioas Gift and Mission We were called together by the Lord and now he sends us forth! We your brothers and sisters, members of the Second Synod of Lingayen Dagupan,came together in the name of the Lord around our Archbishop Socrates from the many different parishes, schools

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 26,045 total views

 26,045 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S. David Santa Quiteria Parish Church Diocese of Kalookan Caloocan city Dear brother priests in the Diocese of Kalookan, especially the parish priest of Santa Quiteria Parish, Fr. George Alfonso, MSC,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Trafficking of person, kinondena ng Diocese of Antipolo

 26,016 total views

 26,016 total views Nagpahayag ng mariing pagkundena ang Obispo ng Diyosesis ng Antipolo laban sa human trafficking of persons matapos ang kasong kinakaharap ng isang pari ng diocese. Ayon kay Bishop De Leon, seryoso ang kasong kinakaharap ni Monsignor Arnel Lagarejos na trafficking of minor. Kasabay nito, ipinarating ng Obispo ang kanyang pakikisimpatya sa batang sinasabing

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Wholistic formation sa mga kabataan, apila ni Cardinal Tagle sa mga catholic school

 25,999 total views

 25,999 total views Ibigay sa mga kabataan ang wholistic formation. Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Catholic schools sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Unang pinaalalahanan ng kanyang Kabunyian ang mga kabataang mag-aaral na bilang bahagi ng catholic education ay dapat unang matutunan ang pagpapakumbaba, maging maliit, handang

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Blood donors, malugod na pinasalamatan ni Cardinal Tagle.

 26,008 total views

 26,008 total views Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga blood donors sa ipinagkaloob na regalong buhay para sa kanyang kaarawan. Ayon kay Cardinal Tagle,napakagandang ipagdiwang ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa iba sa pamamgitan ng blood letting o donasyon ng dugo. Sa pamamagitan nito,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 26,158 total views

 26,158 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa death penalty bill na isinusulong sa Senado. Para lalong patatagin at palawakin ang pagpapahalaga sa buhay, nagpalabas ng circular letter si Cardinal Tagle para sa lahat ng parokya sa arkidiyosesis

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 26,603 total views

 26,603 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ,ang tamang edukasyon ay daan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kabataan at kanilang pamilya. Inihayag ng Obispo na matutupad lamang ito

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Simbahan at pamahalaan, hindi maaring maghiwalay

 26,281 total views

 26,281 total views Hindi maaring maghiwalay ang Simbahan at pamahalan sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Filipino. Ayon sa kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, ang gobyerno ang may responsibilidad sa materyal na pangangailangan ng sambayanan habang ang Simbahan ang sa pang-esperitwal at moralidad ng mga tao. Tiniyak ni Cardinal Rosales na magiging matagumpay ang paglilingkod ng Simbahan

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 26,057 total views

 26,057 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Archdiocese of Lipa sa San Sebastian cathedral kahapon, Abril 21, 2017. Ayon kay Archbishop Villegas, ang Obispo ay tinatawag kakambal ang pagkamatay sa sarili upang tunay

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 26,047 total views

 26,047 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education San Jose Bishop Roberto Mallari na yakapin ng mapagmahal na preseniya ng Diyos ang kaluluwa ng 35-pasahero na nasawi sa bus accident. Ipinanalangin din ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mabuhay sa pagmimisyon, hamon ni Cardinal Tagle sa mananampalataya

 26,005 total views

 26,005 total views Ito ang buod ng mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa padiriwang ng Simbahan ng Linggo ng pagkabuhay o Easter Sunday. Ayon kay Cardinal Tagle, ang libingan ng patay na katawan ni Hesus ay nawalan ng laman upang makapagbigay ng liwanag at buhay sa sangkatauhan. Sinabi ni Cardinal Tagle

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Patanggap kay Hesus, pagtanggap sa mga dukha

 26,031 total views

 26,031 total views Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Palm Sunday mass sa Manila cathedral. Ang linggo ng palaspas ay ikalimang linggo ng paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Mensahe ni Cardinal Tagle, ang tunay na Hesus ay pagtanggap sa presensiya ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Panalangin at pagsakripisyo sa mahal na araw, i-alay para sa kapayapaan sa bansa.

 25,448 total views

 25,448 total views Hinikayat ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang sambayanang Filipino at mananampalatayang Katoliko na i-alay ang panalangin, pagsa-sakripisyo at pag-aayuno ngayong Semana Santa sa pagkakaroon ng kapayapan sa Pilipinas. Ayon kay Bishop Santos, mahalagang sama-samang ipanalangin ang katahimikan sa Mindanao at buong bansa. Hinimok ng Obispo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top