Tanggapin at kalingain ang mga migrante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 489 total views

Pagtanggap, pagkalinga, pakikisama at pagsusulong sa pag-unlad ng mga migrants at refugees ang tungkuling dapat na gampanan ng pamahalaan at ng pamayanan upang matugunan ang pangangailangan ng mga migrante.

Inihayag ni Sr. Beth Pedernal, MSSC ng Sentro Filipino Chaplaincy sa Diocese ng Rome na ito panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pinangunahang misa sa paggunita ng World Day of Migrants and Refugees.

Ayon kay Sr. Pedernal, binigyang diin ni Pope Francis ang apat na pagtugon sa problema ng mga migrante na kinabibilangan ng ‘welcoming, protecting, promoting at integrating’.

“Binigyan niya ng tuon na nabanggit ko ay ang apat na salita ang welcoming, ang protecting, promoting at integrating, actually itong mga salitang ito ay hindi lang ngayon niya binanggit kahit nung World Day of Peace nung January 1 ay ito rin yung topic na kahit dun sa titulo ng kanyang mensahe ang nakalagay ‘Migrants and Refugees in search for peace’ at sa kanyang mga salita yung apat na salita na ring yun ang kanyang binigyang pansin…” pag-uulat ni Sr. Pedernal sa Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ng Madre, ang naging paggunita sa mga migrants at refugees sa Roma ay naging daan kay Pope Francis upang bigyang diin at itaguyod ang karapatan ng bawat refugees na isang paraan upang mapaglingkuran ang Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

“Hindi lang dun sa misa at ganun na din sa Angelus nanabanggit ng ating Santo Papa na yung patuloy na pagtaguyod sa karapatan at sa pag-welcome ng ating mga migrante at mga refugees na sabi nga niya na kung sa bawat migrante o sa bawat refugees na kakatok sa pintuan ito ay ang Panginoon na ating makakaugnayan, makikita natin kung paano natin maipo-promote batay sa turo ng Simbahan ang iba’t ibang pagtanggap sa kanila…” Pagbabahagi pa ni Sr. Beth Pedernal.

Sa tala ng United Nations mula taong 2000 tumaas ng 49 na porsyento ang bilang ng mga migrants na umaabot na sa 258-milyon na karamihan ay nagmula sa Gitnang Silangan.

Samantala, sa Pilipinas ay una na ring nanawagan sa mga mamamayan ang Simbahang Katolika na maging pamilya at taos-pusong tanggapin ang mga migrants at refugee na nangangailangan ng tulong at gabay upang muling makapagsimula ng panibagong buhay.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 400 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 507 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 53,221 total views

 53,221 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 124,657 total views

 124,657 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 155,939 total views

 155,939 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 187,955 total views

 187,955 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 337,408 total views

 337,408 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 6,265 total views

 6,265 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top