Suklian ng tapat na serbisyo

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Mga Kapanalig, sa pamamagitan ng Joint Resolution 1, na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong bagong taon, tataas ngayong taon ang tinatawag na “base pay” ng mga sundalo, pulis, at iba pang unipormadong kawani ng Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority. Ito ay bukod pa sa dagdag na benepisyong natatanggap ng mga civilian and military and uniformed personnel sa ilalim ng Salary Standardization Law, na sinimulang ipatupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ipatutupad sa loob ng dalawang taon ang pagtataas ng sahod. Ngayong taon, epektibo ang halos 100% na pag-akyat ng base pay ng mga nasa pinakamababang ranggo. Sa susunod na taon naman, halos aabot ng ₱150,000 ang base pay ng isang director general o ang ranggo ngayon ni PNP Chief Bato dela Rosa. Samantala, ₱540 naman kada buwan ang hazard pay o kompensasyong kaakibat ng dalang panganib ng kanilang trabaho. Batay sa resolution, kahapon, January 15, ang simula ng taas-sahod.

Nais rin daw ni Pangulong Duterte na taasan ang suweldo ng mga guro sa susunod na taon, kasinlaki ng itinaas para sa mga pulis at sundalo. Sa ngayon kasi, wala pang ₱20,000 ang naiuuwi ng isang gurong nasa unang antas o “Teacher I”, kaya’t kung matutupad ang gusto ng pangulo, hindi bababà sa halos ₱40,000 ang magiging sahod ng isang guro. Ngunit ayon sa kalihim ng Department of Budget and Management (o DBM), mahirap itong maipatupad agad dahil kailangan daw unahin ang mga nakalinyang proyektong pang-imprastraktura. Sinabi naman ni Department of Education Secretary Leonor Briones na tumataas naman taun-taon ang sahod ng mga guro dahil muli sa Salary Standardization Law. Halos doble na nga raw ang suweldo ng mga guro sa pampumblikong paaralan kumpara sa mga nasa pribadong paaralan.

Mainam, mga Kapanalig, ang pagtaas ng sahod ng mga kawani ng pamahalaan, lalo na ng mga sundalo, pulis, at guro. Paraan ito ng pagpapahalaga sa kanilang importanteng gawain para sa sambayanan. At sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan, mahalagang salik ng dignidad ng tao ang pagkakaroon ng trabaho o hanapbuhay. At sa paggawa, naka-aambag tayo sa katubusan ng tao mula sa anumang nagpapahirap sa atin, para bang krus na pasan-pasan natin sa pag-asang darating ang panahong mapagtatagumpayan natin ito, gaya ng pagtubos ni Hesus sa atin mula sa ating mga kasalanan. Hindi ba’t krus ring maituturing ang pagsuong sa giyera, ang pagtugis sa masasamang loob, at araw-araw na paghubog sa kaisipan at karakter ng mga kabataan?

Gayunman, maliban sa pagtiyak na matutustusan talaga ng pamahalaan ang pagtaas ng sahod ng mga sundalo’t pulis, at, kung matutuloy nga, ng mga guro, makatwiran ding asahan sa mga lingkod-bayan nating ito ang tapat at maayos na pagtupad ng kanilang tungkulin. Hindi naman siguro pagmamalabis ang asahan ang mga sundalong maging sensitibo sa kultura ng mga katutubo sa halip na takutin at sindakin ang mga pamayanan. Hindi rin naman din pagmamalabis kung asahan natin sa mga pulis na dakpin at idaan sa proseso ng batas ang mga masasamang-loob sa halip na patayin ang mga ito. Tama lang din naman sigurong asahan ang ating mga guro na turuan ang ating mga anak nang tama tungkol sa ating kasaysayan at wastong pag-uugali.

Mga Kapanalig, ito sana ang mas malawak na layunin ng pagtataas ng sahod na nais ng administrasyon—ang mas maayos na paglilingkod ng ating mga sundalo at pulis, at, kung loloobin nga, ng mga guro. Sa halip na gamitin ang hakbang na ito upang makuha ang kanilang katapatan sa isang padrino, nawa’y katapatan sa kabutihan ng lahat at ng buong bayan ang maging sukli ng mas mataas na sahod sa mga lingkod-bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,676 total views

 82,676 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,680 total views

 93,680 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,485 total views

 101,485 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,629 total views

 114,629 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,952 total views

 125,952 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,677 total views

 82,677 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong pinagtataguan mo?

 93,681 total views

 93,681 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

To serve and protect

 101,486 total views

 101,486 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,630 total views

 114,630 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top