Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea, maaangkin na ng China

SHARE THE TRUTH

 253 total views

Hindi na umaasa si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na maipaglalaban pa ng Pilipinas ang karapatan sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Iginiit ng mambabatas na nakatali na ang kamay ng Pangulong Rodrigo Duterte idahil sa bilyung-bilyon dolyar na investment na ipinasok ng China at inaalok na tulong pinansyal sa Pilipinas.

“Sabi n’ya itatakle natin ang ating karapatan sa West Philippine Sea pero hanggang doon na lang, dahil ang kanyang focus ay kumuha ng investment sa China. Ako ay doubt na makapag-assert pa tayo ng ating karapatan sa West Philippine Sea dahil niyakap na natin ang China… Kung sinabi natin na ibalik yung Balanggiga [Bells] I agree pero dapat yung Spratly at yung Panatag Shoal ay ibalik din,” ani Alejano.

Sa kanyang business trip sa China noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 24-bilyong dolyar ang kabuuang investment na naiuwi ni Pangulong Duterte sa bansa na sinasabing magpapalakas sa larangan ng imprastraktura, agrikultura, turismo at komunikasyon.

Inihayag din ni Alejano ang mariing pagtutol sa Independent Foreign Policy at sa pagsasawalang kibo ng pangulo sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa isinagawang press conference pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA), inihayag ni Pangulong Duterte na handa ang Pilipinas at China na magsagawa ng isang joint venture upang saliksikin ang West Philippine Sea.

Magugunitang isang taon na ang nakalipas matapos ilabas ng permanent court of arbitration ang desisyon na nagsasabing ang ilang bahagi ng South China Sea ay saklaw ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Hulyo 2015 nang nagpalabas ng Oratio Imperata ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nananawagan sa mga mananampalataya na mag-alay ng panalangin para sa payapang paglutas sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,481 total views

 88,481 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,256 total views

 96,256 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,436 total views

 104,436 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 119,933 total views

 119,933 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,876 total views

 123,876 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,965 total views

 89,965 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,307 total views

 86,307 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,941 total views

 32,941 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,952 total views

 32,952 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,956 total views

 32,956 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top