Potensyal ng Remittances

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Kapanalig, hindi natin matatatwa ang ganansyang regalo ng mga kababayan nating nagtatatrabaho sa ibang bansa. Tingnan na lamang natin ang mga opisyal na datos ukol sa ating mga OFWS. Taon taon, mas dumadami sila, at tila ang “trend” na ito ay hindi magbabago sa mga darating pang panahon.

Noong 2015, umakyat ng 1.5% ang bilang ng mga OFWs mula noong 2013. Ninety-six percent (96%) ng mga OFWs ay may mga kontrata habang 4% ang walang kontrata. Malaki ang naging kontribusyon ng mga OFWs sa ating ekonomiya. Noong 2015 din, nagpadala sila ng mga $25.6 milyong halaga ng remittances. Ito ay mga 10% ng ating gross domestic product.
Ang remittances ng ating mga OFWs ay isang malaking pagkakataon para sa kanilang financial inclusion, mas maraming pamumuhunan o investments, at paglago ng ekonomiya ng mga kabahayan, komunidad, at ng buong bayan.

Ang remittances kapanalig, para mas malayo ang marating at mas malawig ang benepisyo, ay dapat makita nating isang oportunidad. Kung ma-e-engganyo natin ang mga OFW households na mag-laan ng kahit na maliit na porsyento ng kanilang kita sa pamumuhunan o investments, o di kaya sa savings at insurance, mas lalago kahit papaano ang hawak nilang padala.

Halimbawa lamang, kung maglalaan sila ng porsyento para sa retirement plan ng kanilang kaanak na OFWs, masisiguro nila na may matatanggap pa ring kahit kaunting kita ito hanggang sa pagtanda, kung kelan mahirap na magtrabaho sa ibang bansa.
Kung gagamitin din nila ang bahagi ng kanilang padala para naman sa mga investments o financial products, mas mataas kaysa savings ang magiging kapalit nito. Kapag sa negosyo naman, may additional income din ang pamilya, na bunsod na rin ng biyaya ng padala.
Kapanalig, ang potensyal ng remittances ay hindi lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan o financial institutions. Ito ay nasa ating mga kamay din. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na ito, habang malakas pa ang ating mga kaanak na OFWs at patuloy silang nag-aalay ng sakripsiyo para sa atin.

Ang Gaudium et Spes ay nag-uudyok sa atin na gawin ang ating bahagi sa pag-angat ng ating buhay: “Hindi tayo dapat maging makasarili. Ang pinakamainam na paraan upang magawa natin ang ating obligasyon tungo sa katarungan at pagibig ay ang mag-ambag sa kabutihan ng balana ayon sa iyong kakayahan at sa pangangailangan ng kapwa, at tumulong sa pagsulong sa mga pampubliko at pampribadong organisasyon na tumutulong sa pagpapabuti ng buhay ng lahat.”
Sumainyo ang Katotohanan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,673 total views

 13,673 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,317 total views

 28,317 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,619 total views

 42,619 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,320 total views

 59,320 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 105,103 total views

 105,103 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,674 total views

 13,674 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 28,318 total views

 28,318 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,620 total views

 42,620 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 59,321 total views

 59,321 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top