Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One”
Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang paggalaw ng 100-kilometrong Marikina Valley Fault system, mula ito sa lalawigan ng Bulacan, Matro Manila at CALABARZON.
Bagamat walang timeline… nilinaw ng PHILVOCS na mangyayari ang paggalaw ng West Valley Fault na lilikha ng “The Big One” o inaasahang 7.2 magnitude na lindol na makakaapekto sa Metro Manila at karatig na lalawigan. Ini-ulat na hinog na ang Pilipinas sa isang malakas na lindol, dahil ang sinasabing West Valley Fault na kabilang sa Marikina Valley Fault system ay nalalapit na sa inaasahang timeline ng paggalaw.
Ipinaliwanag ng PHILVOCS ang West Valley Fault ay huling gumalaw noong 1658 na inaasahang gagalaw sa loob ng 400 hanggang 600 years…prediksyon, mangyayari ito sa taong 2058.
Sinasabing hindi isang prediksyon kundi isang simpleng “reference point” lamang. Ang paggalaw ay base sa pag-analisa ng WSF historical pattern.
Pero Kapanalig, hindi ito dapat maging dahilan ng pagpanik…bagkus dapat itong paghandaan at masusing pagpa-plano kung paano maging ligtas ang mga mamamayan sa idudulot na lindol kapag gumalaw ang West Valley Fault.
Huwag nating balewalain ang mga abiso at panawagan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na maghanda ng emergency kits, tukuyin ang mga ligtas na evacuation routes, patatagin ang mga istraktura ng bahay at mga gusali.. gawin nating normal ang earthquake drills., sa trabaho at maging sa ating mga tahanan.
Kailangan nating maging handa Kapanalig., sabihin nating matagal o malayo pang mangyayari ang “The Big One”.
Nilinaw naman ng PHILVOCS na walang kaugnayan ang naganap na lindol sa Cebu, sa D avao region, sa Surigao provinces sa pinangangambahang West Valley fault. Sinasabi na ang lindol sa La Union ay likha ng Philippine fault, ang Zambales quake ay likha ng Manila trench; Ang lindol sa Cebu ay dulot ng Bogo Bay Fault habang ang nangyaring lindol sa Davao at Surigao ay likha naman ng Manila Trench.
Kapanalig, kapag matatag ang ating pananampalataya sa panginoon, wala tayong dapat katakutan.
Isinasaad ng “ISAIAH Isaiah 41:10–Don’t be afraid, for I am with you. Don’t be discouraged, for I am your God. I will strengthen you and help you. I will hold you up with my victorious right hand.”
Sumainyo ang Katotohanan.






