Tigilan na ang walang saysay na pagpaslang.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 855 total reads

Ito ang panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kasunod ng panibagong kaso ng pagpaslang sa tatlong indibidwal na kinabibilangan ng batang siyam na taong gulang sa Navotas City.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ikinalulungkot ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy na kaso ng karahasan na nagiging normal na lamang sa lipunan.

Iginiit ni Bishop David na hindi dapat hayaan ng sinuman na manaig ang anumang uri ng karahasan tulad ng katanggap-tanggap na pagpaslang sa mga inosenteng indibidwal.

“Let us not allow our humanity to continue to be diminished by accepting these acts of violence as normal. They are cruel, abnormal, and inhuman!” panawagan ni Bishop David.

Ibinahagi ni Bishop David na ika-15 ng Oktubre, 2022 ng maganap ang pamamaril ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa isang sari-sari store sa Kalsada Street, Tangos South, Navotas City na ikinamatay ng tatlong katao.

“Two unidentified assailants fired their guns at their targets who were inside a sari-sari store along Kalsada Street, Tangos South, Navotas city last October 15. The killings happened in one of our mission stations, the San Rafael Mission in Bgy Tangos South in Navotas city, and were reported to me by the parish priest of San Roque de Navotas, Fr Efren Reyes, MJ. The mission chaplain assigned in the station is his young confrere in the Missionaries of Jesus, Rev MJae Paguyo, MJ.” Pahayag ni Bishop David.

Nasawi sa pamamaril ang 30-taong gulang na si Jomarie Flores, siyam na taong gulang na anak na si Jaycee at mamimili sa tindahan na si Gerardo Garcia.

Hinamon din Bishop David ang lokal na pamahalaan at mga otoridad na seryosohin ang pagbibigay katarungan sa mga biktma.

Umaasa ang Obispo na hindi mapabilang sina Jomarie, Jaycee at Gregorio sa mahabang listahan ng mga biktima ng karahasan na patuloy na naghihintay ng katarungan.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman ng mga otoridad na si Jomarie Flores ay nagsampa ng kaso sa Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa dating pinapasukang kumpanya sa kabiguang ibigay ang kanyang separation fee.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 18,232 total reads

 18,232 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 55,227 total reads

 55,227 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 281,497 total reads

 281,497 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,964 total reads

 174,964 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 268,021 total reads

 268,021 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top