155 total views
Walang dapat ikabahala ang mga Filipino illegal immigrant sa Estados Unidos.
Naniniwala si University of Asia and the Pacific (UA&P) Prof. Bernando Villegas na hindi naman mangyayari ang mga pahayag ni US President Donald Trump noong ito ay nangangampanya pa at ngayon na Pangulo na na ipadedeport niya ang mga TNT o Tago ng Tago.
Pahayag ni Prof. Villegas, may mga criminal records na immigrant ang prayoridad na ipatapon ni Trump palabas ng Amerika.
“Yung mga outrages statement ni Trump before the elections, don’t expect he will send home Filipino immigrants. And among the 11 million mga 3 million lamang ang may criminal records, I don’t think Filipinos even though they are TNT will be affected by whatever Trump will do to the immigrants,” pahayag ni Villegas sa panayam ng Radyo Veritas.
Hindi rin naniniwala si Villegas na maapektuhan ang remittance ng mga OFW sa US lalo na at kakaunti lamang ang remittance mula sa nasabing bansa kumpara sa Middle East.
Samantala, hindi rin naniniwala ang ekonomista sa pahayag ni president Trump na kanyang tatanggalin na ang mga Business Process Outsourcing o BPO sa bansa.
Ayon kay Prof. Villegas, noong panahon ni President Obama na 2 beses naging pangulo, sinabi rin nito na ibabalik niya sa US ang mga BPO subalit natapos ang kanyang 2 termino hindi ito nangyari.
Ito ay sa dahilang ang private owners ang nagdedesisyon sa kanyang negosyo at hindi ang gobyerno ng Amerika kung saan labis silang nakakatipid sa pagpapasahod sa mga tao dahil sampung beses ang laki ng suweldo kung nasa US ang BPO.
“When Obama became president twice he said exactly the same thing he said, I will bring back job to the US, nothing happened gawa ng ang decision maker are the private owners, sa New York they have to pay a call center agent 10 times what they pay in Cebu o Manila, who would bring back jobs to Amerika, and not only that gusto ba talaga ng mga ameirakano na magtrabaho?” ayon pa sa UA&P Prof.
Una ng hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mayayamang bansa na mahalin ang mga refugees lalo na ang mga bata at kababaihan na biktima ng karahasan sa kani-kanilang bansa lalo na mula sa Gitnang Silangan.