Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Imbestigasyon sa Espinosa killing, walang whitewash-DILG

SHARE THE TRUTH

 251 total views

Nangako ang Department of Interior and Local Government na hindi magkakaroon ng whitewash sa kaso ng pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng selda nito sa Baybay City Provincial Jail.

Binigyang diin ni DILG Secretary Ismael Sueno, na nagpapatuloy ngayon ang masusing imbestigasyon ng DILG Internal Affairs, bukod pa sa imbestigasyong isinasagawa ng Philippine National Police.

Samantala, bukas naman ang kalihim sakaling magsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa naturang insidente.

“Kami, kung anu man ang nangyari talaga, we will not whitewash, talagang we will have it investigated thoroughly, at kung sino man ang may kasalanan doon dapat sya ang managot. Ang masabi lang namin sa inyo, we will conduct a very thorough investigation, kasi that has to be answered, lahat ng questions na tinatanong ng publiko dapat should be answered,” pahayag ng kalihim sa Radyo Veritas.

Nilinaw naman ng kalihim na walang kinalaman o walang ipinag-utos ang administrasyon na patayin si Mayor Espinosa dahil itinuturing itong malaking asset para sa lumalawak na imbestigasyon kontra sa iligal na droga.

Sa tala ng PNP umaabot na sa 4,000 ang napatay sa laban kontra iligal na droga ng pamahalaan mula noong Hunyo 2016.

Dahil dito, patuloy na iginigiit ng Simbahan ang pagpapairal ng batas at ang paggalang sa kasagraduhan ng bawat buhay, maging buhay man ng mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,834 total views

 5,834 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,818 total views

 23,817 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,755 total views

 43,755 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 60,953 total views

 60,953 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,328 total views

 74,328 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 15,999 total views

 15,999 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 165,770 total views

 165,770 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 109,616 total views

 109,616 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top