DFA, hindi nababahala sa banta ni Trump vs TNTs

SHARE THE TRUTH

 262 total views

Hindi nababahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kalagayan ng mga Filipino sa Estados Unidos.

Ayon kay DFA spokesman at assistant secretary Charles Jose, maliit lamang na porsyento ng bilang ng mga Filipino sa US ang mga iligal o yung Tago ng Tago (TNT).

Paliwanag ni Jose, nasa humigit-kumulang 300,000 lamang ang TNT sa US mula sa 3 milyong Filipino doon at sila ay hindi naman prayoridad na ipatapon pabalik ng bansa dahil ayon kay US President Donald Trump ang mga illegal immigrant na may criminal records lamang ang puntirya ng kampanya.

Pahayag pa ng DFA, bagamat TNT ang ilang Filipino sa Amerika, maayos naman ang kanilang trabaho at sumusunod sila sa mga batas doon.

“Hindi naman kami gaanong nababahala dahil naniniwala kami karamihan sa more than 3 million ay maayos naman ang kanilang status, nagbabayad naman sila ng buwis sumusunod sila sa batas. Sabi naman ni Trump na uunahin niya ang mga may criminal records. Para sa akin hindi ito magkakaroon ng malaking implikayson sa Filipino community sa America dahil mga law abiding sila kahit sila ay TNT,” pahayag ni Jose sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, nasa pangangalaga naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) sakaling mapauwi sa bansa ang mga TNT mula sa US at ayon kay Jose may tulong ng inihahanda ang ahensiya para sa mga ito.

Una ng kinikilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga overseas Filipino workers bunsod ng kanilang sipag, tiyaga at pagmamahal sa pamilya na nakatutulong pa sa ekonomiya ng bansa dahil sa kanilang mga remittance na noong unang quarter ng 2016 ay nasa $2.7 bilyon ang remittances nila na mas mataas noong nakaraang taon na $2.4 bilyon lamang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 32,494 total views

 32,494 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 43,499 total views

 43,499 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,304 total views

 51,304 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,262 total views

 67,262 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,436 total views

 82,436 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top