TOO MUCH GENERAL EDUCATION

SHARE THE TRUTH

 60,003 total views

Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig?

Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi mareresolbang kakulangan ng mga classroom, mga guro.,hindi pantay na teachers-to-students ratio.,mga hindi akma at mali-maling teaching materials., kakulangan ng compentency sa pagtuturo ng mga guro., maling education policies tulad ng implementasyon ng K12 program., at laganap na korupsyon sa pondong nakalaan para sa pagpapataas ng antas ng edukasyon.,

Sa nakalipas na buwan ng Mayo 2025, nabunyag sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), 18-milyong Junior high school graduates ay nahihirapan sa comprehension o umunawa.

Kapanalig, lagapak o napakababa ng antas ng functional literacy sa Pilipinas. Ang ugat daw nito ay kahirapan.

Wala pang solusyon sa mga nasabing problema., Nadagdag na naman ang isa pang suliranin… lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Developmental Studies (PIDS) na ang mga kurso o college courses sa Pilipinas ay “Too much general education, not enough practical training”. Sinasabi ng PIDS, ang Filipino college degrees ay mataas naman sa global norms… pero kulang sa internships.

Natuklasan sa PIDS report na ilan sa mga GE competencies na itinuturo sa kolehiyo ay bahagi din ng Senior High School curriculum. Nagdulot ng seryosong alalahanin sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang kakulangan sa practical training ng college courses sa Pilipinas. Ang tugon ng EDCOM 2… Magtulungan ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na ilagay ang mahahalagang GE competencies sa Senior High School curriculum… sa pamamagitan nito, mabawasan ang load sa college programs at maalis na ang redundancy o kalabisan at makapag-focus ang mga college student sa specialized at practical subjects na naayon sa global demand. Napaka-importante Kapanalig sa pagkamit ng reporma ay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng DepEd at CHED.. Walang lugar dito ang pagalingan at agawan ng kinang…

Dahil sa pag-aaral, saka pa lamang napagtanto ng mga opisyal ng CHED at DepEd na lahat ng graduates ng higher education ay minor sa GE subjects dahil umulit ang configuration ng exit courses.Dahil sa incompetency ng mga education official, ang mga estudyanteng Pilipino ay lamang ng 12-units kumpara sa requirements ng mga mag-aaral sa ASEAN, Australia at European Union.

Ang resulta Kapanalig, ire-revised o babaguhin na naman ang SHS curriculum…Magiging problema na naman, mahihirapan na namang makapagtapos ang mga estudyante sa daming idinagdag na GE competencies. Napapanahon na alamin ng CHED at DepEd kung ano-ano ang kailangan ng mga estudyante sa kolehiyo kasabay ng pagbibigay daan at suporta sa kanilang kagustuhan.Importante din na tiyakin ng CHED at DepEd ang “seamless” na transition mula sa basic patungong higher education.

Kapanalig, ika nga sa “Proverbs 9:9 “Give instruction to a wise man and he will be still wiser, teach a righteous man and he will increase his learning.”

Sa ating mga education official, gawing inspirasyon ang sinasabi ni American Polymath Benjamin Franklin “An investment in knowledge pays the best interest.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,607 total views

 24,607 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,612 total views

 35,612 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,417 total views

 43,417 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,005 total views

 60,005 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,757 total views

 75,757 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,608 total views

 24,608 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong pinagtataguan mo?

 35,613 total views

 35,613 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

To serve and protect

 43,418 total views

 43,418 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

AUGUST CHAMBER

 75,758 total views

 75,758 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top