Total ban ng plastic sa Pilipinas, hiling ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 518 total views

Ipinaalala ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David-Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines pagsisimula ng isang buwang pagdiriwang sa panahon ng paglikha na ang lahat ng nilalang ng Diyos ay may kaugnayan sa bawat isa.
Binigyang diin ng Obispo, na kapag sinaktan o sinira ang isang bahagi ng kalikasan at naaapektuhan na ang kabuuang balanse ng kapaligiran.

“Ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay magkakaugnay-ugnay. Kapag sinaktan mo ang isang bahagi, sinaktan mo ang buong sangnilikha. When we destroy the world, we destroy ourselves.” pahayag ni Bishop David

Dahil dito, nanawagan sa mananampalataya si Bishop David na tumulong sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan lamang ng simpleng pamamaraan na hindi paggamit ng plastik.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi sapat ang pag-recycle ng mga plastic dahil kinakailangang ihinto na ang produksyon at paggamit pa nito.

“Ugaliin natin yung walang plastikan, bawasan natin ang kaplastikan both literally at figuratively.” Dagdag pa ng Obispo.

Nito lamang 2018, naitala ang Pilipinas bilang pangatlong bansa sa buong mundo na pinaka maraming nalilikhang plastic na basura.

Samantala, inihalintulad naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang kalikasan sa isang inang mapag-aruga.

Ayon sa Obispo tulad ng isang ina, ang kalikasan ay nagkakaloob sa tao ng buhay, pag-asa at kalakasan.
Gayunman, binalaan ng Obispo ang mananampalataya na kung pababayaan ang kapaligiran ay magdudulot ito ng pagkawasak na maaaring humantong sa kamatayan ng daigdig.

Dahil dito, mahalaga aniya ang pagkakaisa ng sangkatauhan, upang pigilan ang mga gawaing patuloy na sumisira sa kapaligiran.

Nitong Linggo unang araw ng Septyembre, pormal nang binuksan ang Season of Creation o panahon ng paglikha.

Taong 2003 nang unang inendorso ni dating CBCP President Cotabato Abp. Emeritus Orlando Cardinal Quevedo ang naturang pagdiriwang sa Pilipinas.

Ngayong 2019 naman ang ikatlong taon ng pagsasagawa ng Walk for Creation bilang tanda ng pagsisimula ng panahon ng paglikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 212,448 total views

 212,448 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 242,672 total views

 242,672 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 269,316 total views

 269,316 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 364,289 total views

 364,289 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 371,550 total views

 371,550 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,764 total views

 346,764 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top