Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total reads

Ngayong mas maluwag na ulit ang ating pag-galaw sa ating lipunan, mas dumadami na ang mga trabaho para sa ating mga mamamayan. Kung ating tuloy-tuloy na mapapa-baba ang transmisyon ng COVID-19 sa ating bansa, mas gaganda pa ang employment outlook sa ating bansa.

Ang mga kabataan ang isa sa mga naapektuhan sa kawalan ng trabaho hindi lamang sa ating bansa kundi sa sa buong Asya. 55% ng youth population sa buong mundo ay nasa Asya at Pasipiko, kapanalig. Kaya nga’t napaka-vibrant – buhay na buhay ang rehiyon. Ang mga kabataan natin ay nagbibigay sigla at pag-asa para sa mabilis na pagbangon ng rehiyon mula sa pandemya. Kaya lamang, para tuloy tuloy ang sigla na ito, kailangan nila ng trabaho.

Kaya lamang, marami pa ring kabataan ang hindi nabibigyan ng pagkakataon ng magkaroon ng maayos, tiyak o secure, at de kalidad na trabaho. Marami ang hindi nakakapag-aral at makalahok sa job market dahil sa kawalan ng kasanayan. Kung makakuha man sila ng trabaho, minsan arawan lamang ito o hindi pa sigurado. Karaniwan din, halos barya lamang ang sweldo at hindi pa maayos ang working conditions, gaya ng pagiging kargador sa mga ports at pamilihan sa ating bayan.

Ang unemployment rate ng mga kabataan ay kadalasang mas mataas kaysa sa mga adults. Ayon sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank, mga 13.8% ng mga kabataan sa Asya at Pasipiko ay unemployed o walang trabaho noong 2019 habang 3% naman sa mga adults. Kapag nakapag-trabaho naman ang mga kabataan, kadalasan nasa impormal na sektor ito kung saan hindi sila nabibilang at walang social protection. At dahil sa COVID-19 pandemic, mas maraming kabataan ang napipilitang kumayod kahit pa sa “hazardous” o mapanganib na trabaho.

At dahil nga pandemya ngayon, marami rin sa mga kabataan ang walang kasanayan o training para sa trabahong available sa merkado. Marami pa rin ang hindi handa para sa mundo ng trabaho. Ayon nga sa International Labour Organization o ILO, mga 19% ng ating kabataan ay hindi kalahok sa education, employment or training (NEET).

Pagdating sa kabataan at trabaho, kadalasan, iniisip lamang natin ay yung naka-graduate na. Kailangan natin palawigin ang ating konsepto kapanalig, at tingnan ang ating paligid. Ang mga kargador mo sa airport o sa pier, o kahit sa palengke, ang mga bagger mo sa grocery, pati kahera, o di kaya mga waiters o waitress sa mga restaurant na kinakainan o pinag-o-orderan mo–halos lahat sila ay mga kabataan. Tingnan natin ang sitwasyon nila at humanap ng paraan upang lalo pa itong mapabuti. Marami pa tayong dapat gawin upang masiguro na mas maayos, secure o tiyak, at dekalidad ang trabaho nila.

Kapanalig, ang trabaho ay isang pangunahing karapatang pantao. Kailangan natin ito para mabuhay. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa tao na makilala ang kanyang kakayahan habang siya nakikilahok sa buhay ng komunidad. Kaya’t ayon nga sa Laborem Exercens, “We must continue to study the situation of the worker.” Ang kanyang kapakanan ay dapat nating iprayoridad.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 25,397 total reads

 25,397 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 132,238 total reads

 132,238 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 169,025 total reads

 169,025 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 199,599 total reads

 199,599 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 246,985 total reads

 246,985 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 25,398 total reads

 25,398 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 132,239 total reads

 132,239 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 169,026 total reads

 169,026 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 199,600 total reads

 199,600 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top